Chapter 45: Until Afterlife
Zanashi(This is the last chapter. Thank you so much for reading this story! Epilogue will be posted next saturday at 7:00 pm.)
All my life, I live like a machine being controlled and manipulated by my father. One order and I will obediently follow. Back then, I thought they were fighting for the right thing but when I was exposed to the real world, I began to question their principle and way of life. I began to question their approach in attaining justice and freedom, and that's the catch. I always disagree with their ideas but I kept it with myself only. I had a choice to stand firm with my beliefs but still, I chose to live like a machine. I had a choice to voice out what's in my mind but still, I chose to zip my mouth and did nothing. I was a machine, a prisoner, and.. a coward.
Sa bawat yapak ay sumisibol ang panibagong lakas ng loob sa damdamin ko. This night, I want to make everything right. Sisimulan ko ang bagay na matagal ko na dapat pang sinimulan. This night is not just about sacrifice, it's about a new beginning that's one step away to an end.
Huminto ako nang may maramdamang kakaiba. Nilibot ko ang paningin sa madilim na paligid. Kasabay ng paghinto ko ay ang pagtahimik din ng paligid. Walang tunog ng naaapakang tuyong dahon. Walang tunog ng nagbabanggaang halaman. Something's not right. I was very sure someone's following me just now.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Nyctophobia? Scared of the dark? Gano'n pala talaga iyon. Kapag alam mong may mas madilim pang pangyayaring naghihintay sayo, nakakalimutan mo ang lahat ng takot mo. Masyado nang abala ang sariling pakalmahin ang nagwawalang damdamin sa puntong nakakalimutan na ang mga bagay na kinatatakutan nito.
Dark and death? One will give you nightmare but the other one will end your nightmare, and that's the scariest nightmare.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko na ang iilang ilaw sa hindi kalayuan, iilang mga bahay, at iilang mga lalaking may hawak na malalaking baril. Dire-diretso akong naglakad palapit.
Bigla ay nawala na parang bula ang lahat ng kinatatakutan ko nang makita ko ang tumatawa nilang mga mukha, libang na libang at tuwang-tuwa sa kanilang mga ginagawa. Ibang-iba sa mga sibilyan at sundalong iniwan ko sa kampo ng mga sundalo.
Labing-dalawang taong gulang ako nang lisanin namin ang lugar na ito. Hindi ako makapaniwalang halos walang nagbago rito kahit na ilang taon na ang nakalilipas. Hindi pa rin nawawala ang pagsusugal at inuman ng mga armadong lalaki sa mga kubong nakakalat sa lugar, hindi pa rin nagbabago ang ayos ng mga poste at ang dilaw nitong ilaw, at hindi pa rin nagbabago ang pandidiring nararamdaman ko habang naririnig ang tawanan nila.
Tuloy-tuloy lang akong naglalakad kahit pa tumama na ang tanglaw ng ilaw sa akin, kahit pa napapalingon na ang mga armadong lalaki sa akin, kahit pa sunod-sunod na bulungan at hiyawan ang naririnig ko, kahit pa sinusubukan akong tawagin ng ilan sa kanila, at kahit pa nakatutok na sa akin ang baril ng ilan sa kanila.
Someone suddenly grab my arm. Malakas na malakas sa puntong halos maramdaman ko ang kuko niya sa braso ko.
"Sayyana, Sayyana. Ilang taon na ang lumipas, ba't ngayon mo lang ulit naisipang bumisita?"
"Bitawan mo ako, Jamil."
"No'ng huli kitang binitawan, tumakbo ka papunta sa kalaban. Handa kang saluhin ang bala para sa putanginang sundalong iyon," tumingin siya sa suot ko. "Nagbunga na ba? Kung sabagay, mahaba-habang panahon ding pagtatago iyon."
Gamit ang naipong lakas ay itinulak ko siya. Nang bawiin ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya ay aksidenteng natamaan ng likod ng palad ko ang pisngi niya. Napaawang ang labi niya at nakangisi akong tiningnan.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...