Chapter 12: Defense
ZanashiSabi niya, iba siya magmahal. Sabi niya, hindi siya marunong magparaya. Sabi niya, hindi na niya ako papakawalan pa kung mahulog siya. Then again, ano pa ba ang saysay ng laban na 'to?
I've agreed doing that plan, even if it means sacrificing my dignity as a woman, thinking that when I succeeded, he will help us escape from here. But what did he say? Halos ialay ko ang lahat ng bala sa pag-atake sa kanya pero sa huli pala'y matatalo rin ako? Ha! No way! Mahalin niya ang sarili niya!
Though medyo ginusto ko pa rin namang pangatawanan ang plano dahil sa mumunting paghanga ko sa kanya, nakakainis pa ring marinig iyon galing sa kanya, at mas nakakainis dahil ngayon ko lang muli napagtanto ang kahihiyan na namang natamo ko.
Days have passed and I did everything just to avoid him because honestly, after everything and after all our shameless encounters, I don't think I have still enough courage to face him and act like nothing happened. I couldn't face him anymore.
"Making youself killed at the process, huh?" he said, or more like he mocked.
I don't know if he's teasing me or what but when he noticed that I was avoiding him, he kept appearing in front of me. Hindi naman siya ganito dati. Kung tutuusin ay halos pandirian at patayin niya ako tuwing nakikita niya ang pagmumukha ko. Nagkataon o sinasadya? Ewan. Bahala siya sa buhay niya.
"Trying to raise white flag amidst our battle? That's not so brave of you," he continued.
He's standing right now in front of the table, right hand on his hips, and his other hand was resting on the table. I could feel his eyes following my every move.
Hindi ko siya pinansin at muling inabala ang sarili sa pag-aayos ng pagkain ng mga ibang sundalo na kasalukuyan pa ring nakapalibot sa boxing ring. Ang iba'y mukhang gusto nang kumuha ng pagkain pero hindi lang makalapit dahil nandito ang Captain nila.
Samantalang si Iris na namimigay ngayon ng tubig sa kanila ay madalas din ang pagsulyap sa akin at sa kaharap ko.
"What happened to your determination?" he smirked.
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Kung ako lang talaga ang papapiliin, hinding-hindi ko ihahatid ang mga pagkain nila sa field. Pero may magagawa pa ba ako? This captain in front of me has personally requested, but more like commanded the workers that they should give this work to me. This is my special duty now, according to him. See? The audacity of him!
"Akala ko ba'y itutuloy natin ang laban?" he probed when I didn't answer him.
Kahit na may lamesang nakapagitan sa amin, ramdam ko pa rin ang init na nililikha ng katawan niya. Biglang nanumbalik sa akin ang mga panahon kung kailan sobrang lapit namin sa isa't isa. Napapikit ako at halos ibalibag ang ulo para lang matanggal ito sa isipan ko.
Lagi ay ganito ang nararamdaman ko. Pinaglalaruan ako ng isip at ng damdamin ko! Kaya tuwing lumalapit siya sa akin ay iritadong-iritado ako.
"Sayyana.." the way my name came out from his mouth is like a curse. Hindi ko pinansin. Sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng pagkain.
Being the captain he is, he obviously didn't like the idea of me ignoring him and his endless teasing remarks. Naaapakan siguro ang dignidad niya.
Itinukod niya sa lamesa ang isa pa niyang kamay. Bumagsak ang tingin ko rito at nakitang nakakuyom ang dalawa niyang kamay, ang ugat ay dumedepina sa bawat pwersang ibinibigay niya. Kahit nakayuko ako ay ramdam ko ang matalim niyang titig sa akin.
"I'm asking you, Sayyana. Answer my damn question!" he commanded. His voice thundered so we got the attention of those soldiers who were standing near us.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...