Chapter 28: Talk
ZanashiThe tingling sensation I felt when his arms snaked around my waist was only a fleeting moment. Soon as I got back into my lucid self, I quickly removed his grip on me. Hindi nga lang siya natinag at lalo pa akong niyakap.
Nakakalunod ang init ng katawan niya sa likod ko pero kasabay nito ay ang matinding pagsikip ng dibdib ko. Tila may nakabara sa lalamunan ko at nakadagan sa damdamin ko, pinipigilan akong huminga. Sa mga oras na ito, imbes na yakap niya ay ibang imahe ang pumapasok sa isip ko. Ang mga mata niyang nakasunod kay Faiqa at ang boses niyang binabanggit ang pangalan ni Faiqa. Ang yakap niya ay tila ako sinasakal nang dahil sa imaheng ito.
"Bitawan mo ako," utos ko.
"No," bulong niya at halos mandiri ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "Unless you'll talk to me."
Laro na naman ba? Hindi ko na mapangalanan ang nararamdaman ko ngayon. Galit ako, naiinis ako, nasasaktan, pero higit sa lahat ay naiinsulto. Ano bang akala niya sa akin?
Bakit parang ang dali lang sa kanyang hilain ako palapit at pagkatapos ay itapon agad kapag nakita niya ang taong gusto niya? Am I his second fucking choice? Na kung wala ang nauna ay ako muna? Panandalian lang? Bullshit!
Siguro iniisip niyang kakakilala lang namin kaya imposibleng mahulog ako sa kanya nang ganito. Kaya ayos lang na paglaruan niya ako! Ayos lang na halikan ako basta-basta kahit hindi naman niya ako gusto! O kaya naman, talagang pinaninindigan niya ang laban namin? Nakagat ko ang ibabang labi ko nang dahil sa panggigigil, ang luha ay gustong-gustong kumawala kaya tumingala ako.
"Bitawan mo ako," ulit ko. Ang boses ay nanginginig na sa sobrang pagkainsulto, galit, at inis na nararamdaman.
Nanigas siya sa tono ng pananalita ko pero ilang sandali lang ay naramdam ko ang paghaplos niya sa tiyan ko.
"No."
Lalo akong nainsulto! Ang dali lang sa kanyang hawakan ako nang ganito, na para bang napaka-importante kong tao pero isang kurap lang ay muli na naman niya akong ibabasura?
Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin dahil talagang nandidiri na ako sa laro niyang ito. Nang hindi niya tinanggal ay kinurot ko nang sobrang lakas ang kamay niya. Nang hindi pa rin ay pinagsusuntok ko na ito. Natatamaan na ang tiyan ko sa bawat suntok pero wala akong pakialam. Ayaw kong lumapit siya sa akin!
Sa isang iglap lang ay nakulong na niya ang kamay ko sa aking dibdib gamit ang isa niyang kamay, ang kabilang kamay niya ay nanatiling nakapulupot sa tiyan ko.
"Stop it! You're hurting yourself!"
"Just fucking let go, Captain Salzano!" namamaos kong sigaw, ang paghinga'y lalo pang lumalim.
"Then talk to me, Sayyana," isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. "Talk to me. God, I miss you so much."
Nangilid ang luha ko at halos gusto kong tumawa nang sobrang lakas. Nagpapatawa ba siya? Kung talagang totoo ang sinasabi niya, matagal na sana siyang gumawa ng paraan para magkausap kami. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan, eh. Ako na ang lumalapit para kausapin niya ako pero sa huli, si Raygan lang din ang nakakausap ko dahil ni hindi man lang siya nagsasayang ng konting laway para sa akin.
Ilang araw akong nakatingin lang sa kanya, hinihintay na tumingin din siya pabalik. Pero kailanman, hindi niya ginawa dahil sa iba siya nakatingin. Masisisi niyo ba ako? He made me feel so special one day and treated me like a leftover the other day!
"Ano ba!" tinungo ko ang ulo pakanan para mailayo ang leeg ko sa mukha niya. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabing bitawan mo ako!"
Naiinsulto ako sa ginagawa niya, iyon ang totoo. Pakiramdam ko'y tinatawanan lang niya ako ngayon sa isip niya. Wala na atang paglalagyan pa ang baba ng tingin ko sa sarili dahil sa pakulo niyang ito.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...