Chapter 31: Control
ZanashiI thought they were just going to drop me in the military base and held me as the only captive there. But after hours and hours of travelling, I just found myself standing in front of a woman my age inside a very large house.
The moment she saw Denver, she just jumped into his arms, hugged him tightly, and cried, saying she thought something bad happened to Denver.
Habang ginagawa niya iyon ay nilibot ko ang paningin ko sa bahay. Malawak ang bahay at tamang-tama lang ang laki. Sa labas pa lang ay masasabi nang may kaya ang nakatira rito. Maliwanag ang sala lalo na't malahigante ang bintana nila. Ang kulay kremang kurtina ay nakalantad dito, gayunpaman, maliwanag pa ring tingnan.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa kabila ng liwanag na ito ay tila ang bigat ng pakiramdam sa loob ng bahay. It looks peaceful but the silence is very disturbing. Tipong yapak mo ay umaalingaw-ngaw sa buong paligid. Siguro'y walang ibang tao? Natitiyak ko nga lang na kahit mapuno pa ito ng mga tao at kahit magpatugtog pa nang sobrang lakas sa loob nito, pakiramdam ko'y mamamayani pa rin ang kakaibang katahimikang dala ng lugar na ito.
"God! I was so worried, Denver! Ilang gabi na kaming hindi nakakatulog nang maayos dahil wala kaming kahit na anong balita tungkol sayo! And we actually heard some nasty rumors about you attacking your co-soldiers! That's insane! Galit na galit ang Tito," sunod-sunod niyang sabi.
Pinunasan niya ang luha bago lumayo pero ang tingin ay nanatili pa rin kay Denver. It took her almost fifteen minutes to notice my presence behind Denver.
Kung hindi lang ako hinawakan sa tagiliran ni Denver ay hindi pa niya ako mapapansin. Dahan-dahan kong siniko ang kamay ni Denver sa tagiliran ko. Dahil dito'y kunot-noo niya akong binalingan. Hindi ko nga lang ito pinansin at tumingin na lang sa babaeng nasa harap namin ngayon. Nakangiti siya pero ang kilay ay salubong. Maliit lang din siya ngunit halata sa mukhang magkaedad kami, kung hindi man ay magkalapit.
"Who's this woman with you, Denver?" tanong niya. Wala namang inis o galit na nababakas sa boses niya. Sadyang nagtataka lang siguro.
"This is Sayyana," he said while snaking his arms around my waist again. For the nth time, I tried to elbow his hands. Humigpit lang lalo ang pagyakap niya sa akin. "Sayyana, this is Dalia, my cousin."
Bumagsak ang tingin ni Dalia sa kamay ni Denver na nakahawak sa akin.
"Woah," she laughed heartily and gave Denver a teasing look. "I couldn't believe that after all the attacks, you still manage to bring home a woman. Is she your captive or what? Prisoner of war? Tell me," she laughed, not knowing that she's actually right.
Siguro'y nagbibiro lamang siya kaya nang sabihin ko ang buo kong pangalan ay halos matigilan siya at gulat na gulat na tumingin sa akin, at kay Denver, at sa akin, at kay Denver.
"Sayyana what?" tanong niyang muli, umaasang nagkamali lang siya ng dinig.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Denver sa tagiliran ko na para bang pinipigilan niya akong sabihin ulit ang pangalan ko. Muli kong siniko ang kamay niya, ang noo'y pinipigilan kong kumunot dahil nakakahiya naman sa babaeng nasa harap namin.
"Sayyana Aguilarma," ulit ko.
Bukod sa gulat at nagtataka niyang mukha, nakitaan ko ng konting takot, sakit, at galit ang mga mata niya. Gayunpaman, nakipagkamay pa rin siya sa akin at pinilit ang sariling ngumiti.
"Please look out for her for awhile, Dalia."
"You're leaving?" tanong ko.
Bumaling sa akin si Captain Salzano at nang makita ang nag-aalala kong tingin ay huminga siya nang malalim. "Just give us a minute, Dalia."
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...