Chapter 4

2.3K 197 117
                                    

Chapter 4: I'm Not Like You
Zanashi

"Captain Salzano! Drop that gun of yours, now!" umugong ang boses ng isang lalaki sa buong silid.

Pumasok ang tatlong sundalo sa kulungan namin. Ang sundalong nasa gitna, na siya ring sumigaw, ay kunot-noong nakatingin kay Captain Salzano na para bang hindi niya nagustuhan ang naging kilos nito.

Captain Salzano gave me a sharp look before he finally lowered his single barrel handgun. He pointed the gun sidewards and decocked it by holding the hammer using his thumb. He then squeezed the trigger and gently let the hammer back in place. After decocking his gun, he turned to the person who shouted just awhile ago. Sumaludo siya rito. 

"Sir."

"You should be reporting to me right now and yet you're here? Pointing your gun at this woman? In front of these kids?" sabay turo sa mga batang nagyayakapan na ngayon sa sobrang takot.

"This is disappointing, Captain Salzano. In my office!"

Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Captain Salzano bago siya tuluyang sumunod doon sa sundalong mukhang may mas mataas na posisyon sa kanya.

Iris was about to approach me but she stopped when another soldier entered. Muling sumaludo ang mga bantay sa labas. Dumiretso ito sa akin. Ang inaasahan ko'y tututukan niya rin ako ng baril tulad ng ginawa ng Captain nila pero nagulat ako sa ginawa niya.

Ngumiti siya at ang mata ay nanghihingi ng paumanhin.

"I'm sorry for that. Sayyana, right?"

I nodded and frowned at him, wondering why he was apologizing to me now. Ni hindi ko makitaan ng galit ang mga mata niya. Ibang-iba sa mga kasamahan niyang halos patayin na ako sa tingin, lalong-lalo na iyong si Captain Salzano.

"Our captain is a very logical man, Sayyana. He isn't subjective with his actions. Ang mga nagawa niya ngayon ay dala lang ng gulat at galit sa nangyari sa kapatid niya. I hope you could understand," tipid siyang ngumiti. "Mabuti na lang at dumating si Major Apollo."

Tumango na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin pero hindi naman ako nagrereklamo. Kung tutuusin ay magandang bagay na para sa amin na may mga ganitong klaseng tao pa ngayon dito sa kampo nila.

Sa unang araw namin bilang mga bihag ay kakitaan na ng matinding pagkalungkot si Iris.

"Kamusta na kaya sila Mama? Ayos lang kaya sila?" nanghihinang tanong ni Iris habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na itong tinanong mula noong makarating kami rito, at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong umiling para sagutin ang tanong niya.

Hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga rin alam kung ayos lang ba ang mga magulang ko kaya papaano ko siya sasagutin?

"Let's just hope they are okay."

Please, God. Let them live, please.

Sa ikalawang araw ay pinalabas kami sa kulungan at pinalipat sa kwarto kung saan may double-deck beds na nakahilera, may isang bintana kung saan nakikita ang field ng kampo nila, may isang hindi kalakihang lamesa, at may isang maliit na cr sa may pinakadulo. Bukod doon ay wala nang makikita pa sa loob ng silid. Hindi gano'n kalawakan pero mas maayos naman ito kumpara sa naunang pinagkulungan nila sa amin.

Binigyan din nila kami ng pamalit. Kulay abo ang longsleeve na damit samantalang kulay itim naman ang jogging pants. May kulay pulang tsinelas din silang ibinigay sa amin. Pare-pareho ang laki nito. Tamang-tama ito sa paa ko, medyo maliit naman sa paa ni Iris, samantalang may kalakihan ang tsinelas para sa paa ng mga bata.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now