Chapter 3: For Our Country
ZanashiNahabag ang damdamin ko habang tinitingnan ang gulat at hindi makapaniwala niyang mukha. Mukhang importante ang babaeng ito sa kanya at nakakadurog ng damdamin ang makitang ganito ang sinapit ng isa sa mga taong mahalaga sa'yo.
Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Kasabay ng pagkawala nila sa mundo ay ang pagkawala rin ng ibang parte sa pagkatao mo. Kaakibat ng pangyayaring ito ay sakit. Hindi naman ito maiaalis.
Pero hindi matutumbasan ang sakit kapag nawala ang mahal mo sa buhay sa paraang hindi katanggap-tanggap. Aside from the pain, you have to go through the process of accepting what has happened. Kailangan mong lupigin ang galit na namuo sa damdamin mo. Hangga't walang hustisyang naibibigay, hindi ka matatahimik. Even justice was already served, you found it really hard to accept it.
Tulad na lang ng nararamdaman siguro ngayon ng sundalong ito.. At tulad na rin ng nararamdaman ko ngayon.
Nakita mismo ng dalawang mata ko kung papaano nawalan ng buhay ang kaibigan kong hindi mawalay sa akin mula pagkabata hanggang sa maging dalaga't binata na kami.
Napapikit ako at napailing. Hindi ko kayang tanggapin na paggising ko isang araw ay wala na ang mga mahahalagang tao sa tabi ko. Ni hindi ko alam kung nasa maayos ba na kalagayan sina Mama at Papa. Ni hindi ko alam kung nagawa bang makatakas ni Iris at ng mga bata.
"Bring her to the truck, now.." halos pabulong na wika ng sundalong kanina lang ay nakahawak sa akin. He was still dumbfounded while looking at the woman, as if he could not believe it and he would never believe it.
"Yes, sir."
Lumapit sa akin ang dalawa sa mga sundalo. Hinila nila ako palayo at tahimik ko na ring pinaubaya ang sarili ko.
Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko pero pilit na sumasapaw ang sakit dahil sa mga nasaksihan at nangyari sa araw na ito. Ni hindi ako makaramdam ng takot gayo'ng alam kong nahuli at bihag na ako ng kabilang panig.
"Grabe ang sinapit ng kapatid ni Captain Salzano. Talagang nakakagalit!"
"She's a she, a woman, for God's sake! Kung gano'n ang ginagawa nila'y dapat siguro pugutan din ito ng ulo."
"Captain would be really mad. I mean, who woudn't? Ako nga na minsan lang makita ang kapatid niya ay nanggigigil na ngayon sa galit!" humigpit ang hawak sa akin no'ng isang sundalo.
"That's what I thought as well. Sana ay binaril na lang nila kaysa pahirapan nang gano'n. God. Just thinking 'bout how scared she felt before she was beheaded already gave me an unusual goosebumps!"
"Nakakagalit talaga. Walang kahit anoman ang makapagbibigay-katarungan sa lahat ng nangyari sa kanya. Maging ang hustisya ay hindi sapat. May she rest in peace."
May she rest in peace. Nanghihina kong bulong sa sarili. Labis-labis ang hirap na pinagdaanan niya, nasisiguro ko iyon. Ang pinakamasaklap ay naranasan niya itong lahat sa kamay ng Papa ko.
Kung naging mas mapagmatyag ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw, maaari kayang mapigilan ko ang kalupitang ginawa nila doon sa babae? Hindi kaya.. may nagawa sana ako kung hindi lang ako mabilis na kumakagat sa mga sinasabi ng magulang ko?
Hindi nagtagal ay dumating kami sa isang 6x6 military truck. May mga sundalong nakabantay sa labas nito. Sapilitan pa akong pinaakyat no'ng dalawa pero nang makita ko kung sino ang mga nasa loob ng truck, kusa na akong umakyat nang mabilis.
"Iris!"
Napalingon sa akin ang umiiyak na mukha ni Iris. Nanlalaki ang mata niya at sinalubong ako ng yakap. Muntik na kaming matumba nang bigla akong itulak no'ng isang sundalo sa likod.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...