Chapter 15: Flashlight
ZanashiOne week has passed and I must say that my life inside this solitary confinement was like hell. Fuck, even hell is an understatement to describe what I've gone through inside this suffocating and frightening place. Every single day, I just wished to leave this place and never come back anymore. The only thing that's keeping me sane is the faint reflection of sunlight every morning. Everytime it touches my skin, new hope arouses inside me.
Since nobody's around and nothing could drift me away from my thoughts, it became really hard for me to forget about my nightmares. Paggising sa umaga, I just found myself crying at the corner while silently blaming myself for every life, smile, and hope that has been lost because of my father's twisted principle.
Kinagabihan, isang kahindik-hindik na bangungot na naman ang nagpagising sa akin. It was that girl again. Crying and weeping, pain was very visible on her face, and blaming me for not saving her. It was really terrifying.
Mula sa kama ay pumunta ako sa pinakasulok ng silid. Sumandal ako sa pinto habang niyayakap ang tuhod ko. My lower lip was trembling as well as my whole body. Sa tuwing nananaginip ako nang masama, may nakikitang kakaiba, at tuwing may naririnig akong nakakakilabot, lagi akong sumasandal sa pinto. Siguro dahil pakiramdam ko'y mas napapalapit ako sa mga taong nasa labas kahit na hindi ko naman sila nakikita at naririnig.
This time, however, I was no longer welcomed by silence. Dalawang boses ang naririnig kong nag-uusap sa labas. Medyo mahina lang ito kaya hindi ko masyado naririnig ang pinag-uusapan nila. Pero ang ideyang mayroong tao ngayon sa labas ng silid na ito ay bahagyang nagpakalma sa akin.
Lalo pa akong sumiksik sa pinto at pinakinggan ang mga boses na ito. Wala akong balak na humingi ng tulong sa kanila dahil sa ilang araw kong paghingi ng tulong, wala namang kahit isang sumaklolo.
Maya-maya lang ay biglang tumahimik, tila ba wala ng tao ngayon sa labas. Lumakas ang tibok ng puso ko at muling idinantay ang tenga sa pinto. Nang wala na talaga akong marinig ay bahagya kong pinukpok ang pinto.
"M-may tao ba dyan?"
No one answered.
Isiniksik ko pa lalo ang katawan sa pinto habang lalo ko pang niyayakap ang binti ko.
"If there's someone outside, can you please say atleast one word for me?"
Still, no one answered.
Isinubsob ko ang mukha sa braso ko. Naghintay ako ng ilang minuto, umaasang may magsasalita man lang. Sa sobrang kagustuhan kong mapawi ang takot, nasisiguro kong kahit may magsalita lang sa labas ay mapapanatag na ang loob ko. Kahit isang salita lang, ayos na.
Halos limang minuto na ang nakalilipas pero wala pa ring nagsasalita.
"W-wala ba talagang tao dyan?" tumulo ang luha ko, finally accepting the fact that no one's here with me. Sa kabila nito'y nagtuloy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita. Tila ba kapag ginawa ko ito'y makakalimutan ko kahit sandali lang na mag-isa ako.
"Gusto ko nang umalis dito. T-takot ako sa dilim. Takot ako sa mga naiisip ko. Takot na takot na ako."
Muling tumulo ang luha ko. Sa puntong ito, talagang nawawalan na ako ng pag-asa. Don't worry, Sayyana. Isang linggo na lang, makakaalis ka na sa impyernong ito.
"I'm really really s-scared."
Sa kalagitnaan ng pag-iyak, isang boses ang nakapagpatigil sa akin.
"Don't be.." mahina at marahang sabi nito. "Nandito na ako."
The power that voice possesses is so familiar but the warmth and concern it holds is so unfamiliar. Mahina man ay dinig na dinig ko pa rin ang boses niya, tila ba ang nakapagitan lang sa amin ay itong bakal na pinto.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...