Chapter 20: Hug
ZanashiI can't breathe and this word, somehow, seems like an understatement. He managed to carefully push me forward just so he could lean on the rock. Sa sobrang gulat ay hindi na ako nakapalag pa. He placed me in between his thighs, made me lean on his chest, and his warm arms enveloped my shoulder, making it shiver again but for different reason this time.
"W-what the hell are you doing?" gulantang kong tanong, ang kamay ay nakapatong na ngayon sa tuhod niyang kumukulong sa akin. Sinubukan ko siyang itulak pero lalo lang niya akong inipit.
"Granting you a favor. Baka manginig ka na sa lamig. Nagmamagandang-loob lang," he said, sounding so proud of his so called pagmamagandang-loob!
He enclosed me, literally, with his arms and legs. Hindi naman ako maliit pero pakiramdam ko'y sobrang liit ko nga ngayong nakakulong ako sa kanya. Seconds after, I'm suddenly getting warmer. The heat radiated from his body alleviates the coldness from mine, and the way his skin touched mine is like a flame swallowing a candle. The longer it lasts, the warmer it gets.
"Pinapayagan lang kitang gawin ito dahil nilalamig ako," kinagat ko ang labi ko. "Wala nang iba."
He slightly rubbed his hands against my bare arms. Napapikit ako dahil sa kakaibang init na dala nito. Natutunaw ako, tulad ng kandilang walang awang tinutupok ng apoy.
"Ginagawa ko lang ito dahil nilalamig ka. Wala nang iba."
Somehow, I relaxed after hearing him saying it. Inalis ko ang kamay mula sa pagkakahawak sa tuhod niya at pinaglaruan ito.
"That's good to hear. Don't put malice on this."
"No malice," agad niyang sang-ayon. His voice was getting weaker and weaker everytime he talks. Naisip kong baka inaantok na siya kaya hindi na ako muling nagsalita pa.
Sa sobrang kaba ay hindi ko magawang antukin. Naglalayag ang isip ko sa mga sundalo at sa mga AFFO. Siguradong dumating na sila Iris ngayon sa kampo at siguradong alam na rin ng mga magulang ko ang ginawa kong pagtalikod sa grupo. Bigla ay nakaramdam ako ng kirot. I badly want to see them. I miss them already. Uminit ang sulok ng mga mata ko. Tatanggapin pa kaya nila ako bilang isang anak?
Huminga ako nang malalim at tumingin sa flashlight na nagsisilbing ilaw namin sa madilim na gubat na ito. Sa kagustuhan kong malihis ang sarili sa huling inisip ay bigla kong naalala ang huling gabi ko sa kampo ng mga sundalo.
"Captain Salzano," marahan kong tawag, takot na kung tulog ay baka magising ko siya.
"Hmm?"
Saglit akong natigilan at tipid na napangiti. Gising pa pala.
"Salamat."
"Para saan?"
"Para sa pagtulong sa akin. Tulad ngayon at noong nasa solitary confinement ako."
"It's my duty," he said like it's the most basic thing to remember.
"How come helping me is your duty?"
"You're part of the nation, Sayyana, and I'm bound to protect the nation," he simply said. "Don't put malice on it," panggagaya niya.
"So, kung nilalamig ang lahat ng tao sa Pilipinas, yayakapin mo isa-isa?" madiin kong tanong.
Medyo hindi makapaniwala sa ideyang ito. He's been helping me because it's his duty? I thought, it's something else.. I mean! We were having a battle, weren't we?
"Kung iyon ang magpapainit sa kanila, why not?"
Nakatalikod man ay alam kong nakataas ang kilay niya ngayon. I snorted. Duh! I certainly know he's protecting the nation but doing it to that extent? He really likes exaggerating things, huh?
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
General FictionAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...