Chapter 8

2.2K 192 362
                                    

Chapter 8: Let The Battle Begin
Zanashi

"Are you out of your mind?!"

Hindi ako makapaniwala pagkatapos niyang isalaysay ang plano niya sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Ang akala ko'y tuluyan na akong tinakasan ng bait noong nakulong ako sa solitary confinement pero ngayon ko lang napagtantong maayos pa pala ako. Si Iris ang mukhang hindi!

"It is the only way, Sayyana!"

"Which.." tiningnan ko siya nang masama. ".. is not possible at all."

Pinisil niya ang kamay ko at binigyan ako ng nang-iintinding tingin. "Just think about it later, okay? Hindi ka pa nakakapag-isip nang mabuti dahil kakalabas mo lang sa solitary confinement."

Ako pa ngayon ang hindi nakakapag-isip nang mabuti?

Nakatulala pa rin ako habang inalalayan niya ako pahiga. Kumakain ang mga bata sa cafeteria kaya tahimik ang paligid pero pakiramdam ko ay ang ingay dahil sa sobrang dami kong iniisip.

"You're going crazy."

Napahinto siya sa balak niyang pag-alis at taas-kilay na tumingin sa akin.

"No, I'm not."

"Yes, you are."

Tumalikod ako sa kanya at itinuon ang paningin sa dingding. Ilang buwan na kaming nandito sa kampo at ilang buwan na kaming walang balita sa grupo namin, maliban na lang sa sinabi ng presidente na marami ang nasawi sa amin.

Kaya naman, naiintindihan ko ang matinding kagustuhan ni Iris na makalaya mula sa kamay ng mga sundalo. Bukod pa rito, natatakot din siyang kung tumagal pa kami rito ay baka tuluyan nang makuha ng mga sundalo ang loob ng mga bata.

"Akala ko ba'y gusto mo nang umuwi, Sayyana?" biglang sabi ni Iris, ang pait ay namutawi sa kanyang boses.

"Oo pero hindi sa paraang ito."

"At bakit hindi?"

Bumangon ako at kunot-noo siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwalang ganitong paraan ang naisip ni Iris. Talagang nababaliw na siya!

"Malabo ang gusto mong mangyari, Iris! Malabong-malabo! Paano mo mapapaamo ang taong kalaban na ang turing sayo simula't sapul pa lang?"

"You can, Sayyana."

Halos matawa ako sa determinasyon ni Iris. Talaga bang seryoso siya sa iniisip niya? Hindi niya alam kung gaano ako kinamumuhian ni Captain Salzano kaya hindi niya maiintindihan.

Mas posible pang mapaamo ang leon kaysa sa kanya! Iniisip ko pa lang na lalambingin ko siya ay napapamura na ako dahil alam kong bala ang sasalubong sa akin. Baka hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay basag na ang bungo ko. Gano'n kaimposible!

"Sa ating dalawa, Iris, mukhang ikaw pa ang nakulong ng ilang araw sa solitary confinement."

"You really think this is a mission impossible, Sayyana?"

"Hundred percent impossible! Ano ba 'yang mga pinaniniwalaan mo, Iris? Tingin mo kung mahulog man siya sa akin kahit na alam kong sobrang imposible ay palalayain niya tayo?"

I laughed and snapped my fingers in front of her face, trying to wake her up in this nonsense.

"Walang ganyang pagmamahal, Iris. Hindi totoo. Sa palabas at libro lang. Walang ganyan sa totoong buhay."

"Then what about my mother?" napatigil ako sa pagtawa dahil sa sobrang talas ng boses niya. "How can you explain what my mother has gone through? My mother is a living example, Sayyana."

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now