Chapter 10

2.1K 192 184
                                    

Chapter 10: Keep up
Zanashi

With the sudden information given to us by Lieutenant Travis, memories of the recent war between AFFO and Special Force suddenly occupied my mind. Ayoko nang maulit pa iyon. Ayoko nang may ibang tao pang makakaranas no'n.

"Make it fast, Sayyana. Kung dumating man ang sundalo't hindi mo pa nakukuha, I'm going to distract him. Bilisan mo pa rin para walang problema!"

Tumango ako at nakayukong tumakbo papunta sa isang maliit na kubo kung saan nakapwesto ang nagbabantay na sundalo tuwing gabi. Mukhang sandali itong nag-cr kaya sinamantala namin ni Iris ang pagkakataong ito.

Agad kong nakita ang hinahanap namin kaya wala pang isang minuto ay nakabalik na ako kay Iris. Dahil madilim ang paligid, naging madali sa amin ang pagtakbo papuntang kwarto nang walang sinoman ang nakakakita.

Sa kagustuhan naming malaman ang mga nangyayari sa labas, naisipan naming manghiram ng radyo. Oo, hiram lang at hindi nakaw. Ibabalik naman namin ito doon sa sundalo. Kailangan lang talaga naming makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa mga nangyayaring kaguluhan sa labas.

Lumipas ang mga araw na lagi kaming nakatutok ni Iris sa radyo. Kahit pa natutulog na ang mga bata, nanatili kaming gising ni Iris para pakinggan ang mga balita. Ilang araw at gabi ang lumipas nang hindi man lang nawawaglit ang pandinig namin sa radyo, maliban na lamang kung may trabaho kami, pero ni isang beses ay walang nabanggit tungkol sa ginawang pag-atake ng AFFO.

Sa halip ay ibang problema ang madalas naming naririnig sa mga balita.

"Napakademonyo talaga niya. Imbes na tulungan ang mga nangangailangan, gumawa pa siya ng panibagong problema.." gigil kong sabi nang muli na namang marinig ang balita.

Nitong huwebes lang, nabalitaan naming kinuha ng presidente ang mga lupain ng mga katutubo sa bukiran. They were very angry. Ilang taon silang namuhay sa lupaing iyon pero basta na lang aangkinin ng gobyerno? Ang problema, wala silang sapat na kakayahan para lumaban sa gobyerno.

Habang naririnig iyon ay matinding galit ang naramdaman ko sa presidente. He should be a big help to the nation during these worst circumstances. But really, that man is such an asshole! Imbes na sugpuin ang problema ay panibagong problema ang ibinigay niya sa bansa.

"Ha! How I wish I could slit this man's throat! He's not helping!"

Napatingin ako kay Iris. She seemed very annoyed with this unending news about what the president did. Iritado rin ako pero nasisiguro kong magkaiba kami ng dahilan.

"Yeah, what he did to these indigenous people is not acceptable in any way."

"No.." mabilis na umiling si Iris, ang irita ay nakabaling na sa akin. "I don't really care about those indigenous people. Nang dahil sa kanila'y hindi tayo makakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa pag-atake ng AFFO."

Of course, mapait kong bulong sa sarili. What did I expect? Atat akong makarinig ng balita patungkol doon dahil gusto kong malaman ang pinsalang ginawa ng AFFO. Samantalang atat si Iris dahil gusto niyang malaman kung may posibilidad ba na mailigtas kami ng AFFO rito.

"Nakakaawa ang mga katutubo, Iris. Imagine, they are living their whole life on that land but in just a snap, the government took it away from them? That easily? This is making me mad."

"Wala akong pakialam, Sayyana. In times like this, we should be thinking about ourselves only. Hindi na nga tayo makalaya sa kamay ng mga sundalo, 'yan pa ang poproblemahin mo?"

Napailing na lang ako. "You know what? Even without this land issue, I don't think we would be able to hear something that has to do with the attack."

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now