Chapter 18

1.8K 173 74
                                    

Chapter 18: Run
Zanashi

We've spent hours running and hiding. Hindi na namin nakita pa ang ibang mga sundalo. Samantalang ilang beses na naming naiwala ang ibang mga armadong lalaking nakasunod sa amin pero ilang beses din kaming naabutan ng ilan sa kanila.

Sa unang armadong lalaking umabot sa amin, muntik na akong tamaan ng bala. Natatalikuran namin siya at abala kami sa paliko-likong pagtakbo sa mga puno. Mabuti na lang at may malaking sanga kaming mababangga ni Captain Salzano noong oras na iyon kaya halos kasabay ng pagyuko ko ay ang pagputok din nito ng kanyang baril.

"Fucking shit!"

Isang kalabit lang ni Captain Salzano sa baril ay natamaan na ito. Hindi na ako tumingin pa. Lalo na't muli niya akong hinila at tumakbo pa nang mas mabilis.

"Damn! Are you alright?" he asked.

"Yes.." nahihirapan kong sagot. Muli kaming umilag sa mga sanga ng maliliit na kahoy, hingal na hingal. "Muntik na pero hindi naman natamaan."

Sa oras na ito, lahat ng galaw namin ay may panganib na dala. Delikado ang ginagawa naming pagtakbo ngayon dahil hindi namin agad nalalaman kung may nakasunod ba sa amin. Ang madalas naming paglingon sa likod ay hindi sapat. Pero hindi rin naman kami pwedeng magtago nang hindi pa naman talaga namin sila tuluyang naiwawala dahil mabilis nila kaming matutunton.

"May mga nakakasunod pa ba?" tanong ko nang muli siyang lumingon sa likod. Agad niya ring ibinalik ang tingin sa harap.

"There's none as of the moment but still, we need to run as fast we can. Siguradong nakabuntot pa rin sila," he said while gripping my hand tightly.

Kanina pa kami tumatakbo pero hindi ako makaramdam ng pagod. Hinihingal, oo. Pero ang kagustuhang tumigil? Hindi.

Sandali niyang binitawan ang kamay ko at hinawak ito sa sugatan niyang balikat. Bahagyang bumagal ang takbo ko. Halos mabuhay ang gubat sa ingay na nililikha ng pagtakbo namin. Ang tunog ng naaapakan naming mga tuyong dahon ay sapat na para umalingawngaw ang buong paligid. Muli niya akong hinawakan sa kamay at lalo pang bumilis ang pagtakbo namin.

"You were shot.." hingal kong sabi nang maalala ito. "We've been running for hours. You'll lose a lot of blood."

"This is nothing serious. Daplis lang at hindi naman gano'n kalalim."

Nang may madaanang masyadong mababang sanga ay halos sabay kaming tumalon. Hindi kami huminto at muling ipinagpatuloy ang pagtakbo. We're running for our life. Literally. 

"I've never run like this in my whole life. I might as well participate in some kind of running competition after this," biro ko para maibsan ang takot na nararamdaman. Sinubukan kong sundan ito ng tawa pero maliban sa hingal ay wala nang ibang lumabas sa bibig ko.

"And be prepared to be last because you're as slow as a turtle."

Hindi ako sumagot dahil totoo naman. Bumibilis lang ang takbo ko dahil hinihila niya ako.

"I would really celebrate if we survive this."

Hindi siya sumagot. Sa halip ay lumingon siyang muli sa likod.

"I should really prepare for the celebration then because we will fucking survive this together."

Kung ano-ano na ang mga nasasabi ko nang dahil sa kaba. 

Sa pangalawang armadong lalaki na umabot sa amin, nagkapalitan sila ng putok ni Captain Salzano. Sabay kaming nagtago sa isang malapad na puno. Malalim ang paghinga ko dala ng kaba, takot, at pagod.

"Traydor ka, Sayyana!" biglang sigaw nito, nagtatago rin sa isa sa mga puno. "Kasalanan mo kung bakit nasawi ang karamihan sa grupo! Pinagtanggol mo ang mga sundalo!"

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now