Chapter 24: Touch
ZanashiWhile on our way to find them, Captain Salzano has mentioned to me that he and Raygan Rodriguez have been friends since high school. Magkasama silang pumasok sa military school kaya naman kahit na mas mataas ang posisyon ni Captain Salzano sa kanya, hindi siya natatakot na gawin ang kahit na anong gusto niyang gawin at sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Captain Salzano.
"He just calls me Captain because he finds it amusing. Captain pero madalas niyang 'di sinusunod ang utos ko," ito ang sabi niya sa akin nang tanungin ko siya tungkol kay Raygan Rodriguez.
"Bakit naman?" natatawa kong tanong.
"He thinks he's superior when it's only him who can do that. Really amusing, huh?"
Captain Salzano is a serious man, halos lahat ng mga sundalo'y takot sa kanya. But then, there's Raygan Rodriguez who just punched his captain on the shoulder whenever he wants. I guess Captain Salzano's intimidating aura is just an entertainment to Raygan. Kung iba'y halos manginig sa takot, siya'y halos mangisay sa tuwa.
"Aren't you scared that maybe.. something bad happened to him?" tanong ko sa kanya noong nagpapalipas kami ng gabi sa lilim ng puno.
"I trust him," ang tanging sagot niya.
Ngayong nakikita ko silang dalawa ay napapailing na lang ako. They maybe tough outside but I know deep inside, they are too soft for each other.
I just realized that I love listening to everything that he's saying. Wala akong alam sa kanya kaya tuwing may natatanong ako na sinasagot niya, lagi kong ikinukulong ito sa isip ko.
Para kaming dalawang tao na nagtagpo sa kadiliman, hindi alam kung saan nanggaling ang isa't isa at lalong hindi alam kung saan patutungo.
Masaya ang lahat nang magsimula ang kainan. Nasa labas ang mga kalalakihan at nakaupo sa malinis na lapag samantalang nasa loob kaming mga babae. Hindi naman gaano kalaki ang bahay nila sa probinsya pero base sa pananalita nila'y mukhang marangya ang pamumuhay nila sa lungsod.
"Ito pa, Sayyana. Siguradong gutom ka kaya kumain ka nang marami," ani ng nanay nila Nurjamin.
"Ah, salamat po, tita."
"Sayyana anak, Umi na lang ang itawag mo sa akin," nakangiti niyang sabi sabay lapag ng baso ng tubig sa tabi ng pinggan ko.
Halos mabulunan ako.
"P-po?"
Kung hindi ako nagkakamali ay Mama ang ibig sabihin ng Umi sa kanila. Gusto niyang tawagin ko siyang gano'n?
"Umi ang tawag sa akin ng lahat, anak. Hindi ka naman naiiba sa kanila kaya gusto kong gano'n din ang itawag mo sa akin."
The way she says anak to me and the way she wants me to call her umi, it's just really pleasing to hear. I mean, look at me, I'm just an outsider here. I don't share the same belief as them but they are treating me like a family.
Umalis siya saglit at mukhang inaasikaso pa niya ang mga kalalakihan kasama ang iba pa. Naiwan ako sa kusina kasama ang mga dalaga.
Ngumiti si Jaliya, ang pinsan ni Nurjamin na tingin ko'y kapareho niya ng edad.
"Umi ng lahat si Umi Fathima, ate Sayyana. Napakabait. Kaya kung wala ang Umi ko sa bahay ay dito ako tumutuloy," kwento nito.
"Minsan kung dito kami natutulog, tinuturuan kami ni ate Faiqa kung papaano magbasa ng Qur-an," ani Azizzah, ang pinakabata sa kanila.
I'm getting excited to meet Faiqa. Mula kanina ay naririnig ko na ang pangalan niya mula sa kanila at lahat ng sinasabi nila ay puro magagandang bagay patungkol sa kanya. Siguro'y napakabuti niyang babae.
YOU ARE READING
The Nation's Outcry
Fiction généraleAfter the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even plot her escape. *** Sayyana Aguilarma witnessed how their...