Chapter 44

1.6K 126 60
                                    

Chapter 44: Choose
Zanashi

Bago pa magbago ang desisyon ko ay tumalikod na ako sa kanya at tumakbo papalayo dala-dala ang bigat, sakit, at lungkot sa aking damdamin na kailanman ay hindi na mapapawi. Nagpakawala ulit ng namamaos na sigaw si Denver at mukhang lalo pang nagwala nang makitang tumatakbo na ako palayo sa kanya.

Nang marating na ang dulo ng field ay tumigil ako sa pagtakbo. Ang hospital gown na suot ay sumasabay sa malamig na ihip ng hangin. Ang mukha ko'y halos manlamig sa bawat dampi ng hangin sa akin. Natanaw ko na ang isang sundalong nakasandal sa isang sasakyan. Nang makita niya ako'y mabilis siyang umangat mula sa pagkakasandal at naglakad papunta sa akin.

Mabagal akong nagpatuloy sa paglalakad sa pag-aakalang hindi na muli pang makakasunod si Denver pero nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Don't leave me, please. I'm begging you. Please don't leave me. Hindi ko kakayanin, Sayyana. Hindi ko kakayanin."

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko kaya buong lakas kong inalis ang braso niyang nakapulupot sa akin. Mabilis lang akong nakalayo sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba mas determinado na akong makalayo sa kanya o dahil nanghihina na siya sa mga nangyayari.

Hindi ako nagsalita. Sa halip, nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto na naman ako nang muli siyang yumakap sa akin, pero sa pagkakataong ito'y sa binti ko na nakapalibot ang kanyang mga braso.

"Iiwan mo ako, Sayyana? Iiwan mo na kami ng anak mo? Wag mong gawin sa akin 'to, Sayyana. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin."

Para siyang batang nagmamakaawa sa nanay niyang wag na lang siyang iwan. His intimidating personality suddenly vanished. Kahit masakit ay sinubukan kong iwasiwas ang paa ko para lang humiwalay siya. Pero nasisipa ko na ang katawan niya't lahat, nanatili pa rin siyang nakakapit sa akin.

"Gagawan ko ito nang paraan. Can you please trust me? Lalabanan ko ang AFFO nang hindi ka binibitawan. Aayusin ko ang gulong ito nang hindi ka nawawala sa akin."

Umiling ako nang umiling. Hindi ko na sinubukan pang maglakad dahil nanghina na ako sa ideyang handa siyang magmakaawa nang ganito para lang hindi ko iwan.

"Sayyana.." halos sabay kaming napalingon ni Denver sa sundalong nasa harap na namin ngayon. Lumingon siya kay Denver at sasaludo na sana pero hindi ito natuloy nang sugurin siya ni Denver.

"Hayop ka, Jason!" mura niya sabay suntok nang sobrang lakas kay Jason.

Nang matumba si Jason sa lupa ay agad pumatong sa kanya si Denver at pinagsusuntok siya nang paulit-ulit. Gamit ang nanginginig na tuhod ay agad akong lumapit sa kanila. Halos madapa ako sa pagmamadali.  Hinawakan ko si Denver sa balikat pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpapakawala niya ng suntok. Isa pang malakas na suntok at tumalsik ang dugo mula sa ilong ni Jason.

"Denver, tama na!" namamaos kong sigaw na agad sinundan ng hikbi ko. Hindi na alam kung papaano siya pipigilan!

"Sinabi kong bantayan mo siya pero putangina! Ikaw pa pala ang magiging rason kung bakit siya mawawala sa akin!" asik ni Denver, galit na galit.

Pulang-pula ang mukha niya at halos lumabas na ang ugat sa kanyang sentido. Hindi ko pa siya nakikitang magalit nang ganito kaya labis ang kabang naramdaman ko. Hindi ko nahahawakan ang kamay niya dahil sa sunod-sunod niyang pagpapakawala ng suntok. Lalo lang akong natakot nang makitang malaya lang na tinatanggap ni Jason ang bawat suntok ni Denver, ni hindi man lang niya sinubukang lumayo!

"Puta! Halos magmakaawa ako sayo Jason para lang bantayan mo siya! Sinabi kong 'wag mo siyang hayaang mahuli! Putangina! Ipinagkatiwala ko siya sayo, Jason!" bawat salita ay isang suntok ang pinapakawalan niya na para bang matindi ang galit na nararamdaman niya.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now