Chapter 2

167 25 27
                                    

***
***

Isang linggo na ang nakalipas at maayos naman ang pakikitungo nang aming mga kaklase. Iyon lang, dahil hindi maiwasan na ako'y sunduin ni Daryl kapag tapos na ang klase niya.

Minsan, dahil sobrang gwapo nang boyfriend ko ay maraming napapalingon at ngumingiti sa kanya. Hindi niya lang ito pinapansin dahil sa malamang alam niya na kasama niya ako. Hindi sa pagiging rude niya pero bilang respeto na din siguro sa akin.

" Di mo man lang ngitian ang mga taong ngumingiti sa iyo asungot." usal ko

" Damn, it's making me uncomfortable babe. At tska hindi naman ikaw sila para ngitian ko." giit niya.

Nakarinig kami nang bulungan na hindi naaayon sa akin. Mapanghusga ang mga babaeng ito, ayaw ko sanang patulan ngunit nakaramdam ako nang inis.

' She's not that pretty naman.'

' Mas pretty pa ako sa kanya'

' Sure akong ginayuma niya ang poging nilalang na iyan'

Iyan lamang ang laman ng kanilang bibig. Dahil daw kasama ako ni Daryl, ang pangit ko daw. My goodness! Ang mukha ko pinagkakaguluhan, pinagpyepyestahan at hindi nilalait lang.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Daryl dahilan para mapatingin ito sa akin. I know, narinig niya ito kaya lumalim ang tingin nito sa akin.

I stopped at tumingin sa mga babaeng uod. Tinaasan ko sila ng kilay " What's your problem to me?" I said coldly.

" Are you sure na girlfriend ka ng poging kasama mo? Mukha ka kasi niyang yaya na nakakapit sa kanya," maarte niyang sambit

Dahil nagising ang pagiging matapang ko sinagot ko siya. " Ang ganda ko namang yaya kung ganoon. Hetong mukha na ito?" tinuro ko ang aking mukha bago nagpatuloy

".. ang mukhang ito ay pinagpyepyestahan at pinagkakaguluhan. Ang ganda ko naman para maging yaya lang ng kasama ko, right babe?"

I faced him at natawa siya sa ginawa kong pagpapahiya sa mga babaeng uod. Then realization hit him, naging seryoso ang kanyang mukha at hinarap ang mga uod na pwede nang mabulok.

" She's my girl, got problem with that?" he said coldly

Tinaasan ko nang kilay ang mga babaeng ito at tinignan sila nang pataas pababa.

" Magsuot man kayo nang kinulang na tela o maghubad sa harapan ng boyfriend ko, ako at ako pa rin ang gusto niyang titignan. Look, hindi niya nga kayo kayang tignan sa mata, wanna know why? Cause it irritates him to see you girls!" I said cooly.

Bakas naman ang inis sa kanilang mga mukha. Isang linggo pa lang nagstart ang klase madami na siyang pwedeng maging karibal.

" Magbrebreak din kayo! Tse!" inis na sambit nito

Napangisi ako sa kanya at humigpit ang hawak ko kay Daryl. Itinaas ko ang kamay kung nasaan ang singsing namin ni Daryl. " See these rings? This symbolizes our unending love," she bacame stiff pero nabawi niya rin ito.

" Boyfriend nga na-aagaw, asawa pa kaya?" sagot niya

Aba! Ang tapang ng babaeng uod na ito!

Sumagot si Daryl, dahil naiinis na rin siguro ito. " Hindi naman ako magpapaagaw dahil ang babaeng nais kong makasama ay ang nasa tabi ko lamang."

Napangisi ako sa kanila pagkatapos sabihin ni Daryl iyon. Naramdaman kong namula ang aking pisnge sa kanyang sinabi.

" Mukhang uod naman kayo, sabi ko sa inyo hinding-hindi papatol ang jowa ko sa mukhang uod lang."

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon