Ang sakit ng mata ko dahil umiyak ako sa chapter na ito. Sana umiyak din kayo kasi ang sakit sakit talaga.
Dalawang linggo na ang lumipas mula no'ng huling nag-usap ang dalawa. Hindi na masydong sumasama si Alexa sa mga kaibigan at hindi rin sumasama si Daryl sa kanilang mga kaibigan.
Sa susunod na linggo na ang kanilang exam at hindi makapagfocus masyado si Alexa. Kung hindi man niya iniisip ang binata ay ginugulo naman siya ni Jared.
Nasa paaralan na siya ngayon at naglalakad siya sa hallway na parang walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya.
Nakasalubong niya si Jared pero nagdiretso lamang siya nang lakad. Hindi pa siya nakakalayo ay nahigit siya ni Jared sa kaniyang palapulsuhan.
" Ayos ka lang? Namumugto ang mga mata mo. Ilang araw na ba Gabrielle? Nasaan ba ang tarantado mong nobyo?" tanong ng binata.
Nakatulala lang si Alexa at hindi pinansin ang binata. Niyugyog ni Jared ang balikat nito upang bumalik sa kaniyang wisyo.
" Damn it Gabrielle! What the fuck is happening to you?!" dumagundong ang boses ng binata sa hallway.
Maraming nagtitinginan sa kanilang puwesto ngunit sinamaan na lamang ni Jared ang mga ito.
Nagulat ang dalaga sa lalaking kaharap niya ngayon. " W-What are you d-doing?" she said.
" Sinaktan ka ba niya? Tell me Gabrielle." nagtitimping saad ni Jared sa kaniya.
" I'm fine. Please, bitiwan mo na ako." nahihimigan nito ang boses na may lungkot.
" No. I won't let go. Tara na, sabay na tayong pumasok. Don't waste your tears from him." he said at inakay si Alexa papasok sa room nila.
Madaming nagbubulungan dahil sa kasama ni Alexa. Ang landi daw niya ganito, ganiyan. Na two-timer daw siya. Pero hindi na lang nila iyon pinansin.Nakarating na sila sa klase nila at nabigla ang mga kaibigan nito. Agad nilang nilapitan si Alexa at tinignan nang masama ang kasama nitong lalaki.
" Anong ginawa mo sa kaniya?"
" Hoy! Hahampasin kita kung ayaw mong sumagot!"
Napawi naman ang pag-aalala sa mata ng binata. " Mga kaibigan ba niya kayo? Nag-away yata ang sila ng nobyo niya kaya ganiyan ang mata." simpleng sagot niya.
" Nag-away sila dahil sa iyo! Bakit hindi mo na lang tantanan si Alexa?" tanong ni Angel
" Bakit kasalanan ko ba kung nagpa-apekto ang nobyo niya sa akin? Kung mahal nga niya talaga ang babaeng ito kikibuin niya sana. Pero hindi, alam niyo kung bakit? Nagpapakasaya siya na nakawala sa kaniya si Gabrielle!"
" They are both happy no'ng wala ka, nagkagulo lamang no'ng dumating ka. Why can't you just accept the fact na hindi ka gusto ni Alexa?" sagot ni Arielle sa binata.
" It's not you business anymore. Gusto ko siya, gusto ko siya!" lumayas na ito sa harapan ng mga dilag at nagpunta sa upuan.
Kinausap naman nila si Alexa at tanging nakikita nila ay lungkot sa mukha ng dalaga.
" Ayos ka lang ba? I know na hindi na kayo nag-uusap ni Daryl. You give him the space he wanted."
" Nasasaktan ka and ramdam namin iyon sis. Gusto mo ba kausapin natin ang mga boys?"
Umiling ang dalaga. " Hindi na girls, ayos lang ako. Kaya ko naman tiisin iyong sakit."
" Punta tayo sa building nila mamaya. I want to talk with Daryl regarding this mess."
Hindi na sila nagsalita dahil dumating na ang professor. Nagturo lamang ito pero parang walang pumapasok sa utak ng dalaga kundi si Daryl lamang ang iniisip nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/232145344-288-k708329.jpg)
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Fiksi RemajaAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...