Umalis si Alexa sa building ng Engineering habang umiiyak. Tinahak niya ang daan papunta sa hardin at doon naglabas nang sama ng loob.
Hindi niya alam na may matang sumusunod sa kaniya pero dahil sa walang pakealam ito sa kaniyang paligid ay hindi niya agad napansin.
**
Alexa's POV
Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyong kay Daryl ay tumakbo na ako palabas sa kanilang building.
Dinala ako nang aking sariling mga paa sa garden ng school at humagulgol na lamang ako doon. Labis na kalungkutan ang aking nadama sa isipin na wala na kami Daryl. I can't afford to lose him pero nasasaktan na ako.
Nasasaktan ako sa nangyayari sa amin at alam kong nasasaktan din siya. We really both needed time and space for ourselves to heal.
Kung ipagpapatuloy lang namin ang relasyon namin na puro away lang, walang maidudulot sa amin kundi sakit lang.
Bakit? Tiniis ko naman siya. Tiniis kong hindi siya makausap sa nagdaang dalawang linggo pero makikita ko siya na may kahalikang iba.
Mahal ko siya, gusto kong magkaayos na kami pero heto pa ang nangyari, naging mas malala pa ang sitwasyon naming dalawa.
Nakayuko na lamang ako na umiiyak sa hardinng school namin.
" Why Daryl? Nagkulang ba ako? I tried my best na lumayo sa taong kinaiinisan ko." saad ko kahit alam kong walang nakikinig sa akin.
" Mahal kita, eh. Tangina! Ang sakit sa dibdib."
Umiiyak lang ako hanggang sa napansin ko na may mga bisig ng paa ang nasa paanan ko.
Inangat ko ang aking tingin at nagulat na lamang nang makita ko kung sino ang may ari ng paang iyon.
" Stop crying. I'm sorry for ruining your relationship." sabi sa akin ni Jared.
Ang lalaking kinaiinisan ko! Ang kapal ng kaniyang pagmumukha!
" Hindi maibabalik ng sorry mo ang paghihiwalay namin ni Daryl!" bakas ang galit sa aking tono.
Inabutan niya akong panyo. " Use it. Tumutulo na ang sipon mo." he joked.
Imbes na abutin ang panyo ay tinabig ko ang kaniyang kamay palayo sa harap ko.
" Stop what you're doing Agoncillo. You ruined everything! You fucking ruined me, us! Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin maayos pa kami!" asik ko sa kaniya.
" Kung hindi ka lang sana dumating, he won't kissed that girl!" puno ng paninisi ang aking boses.
Nakitaan ko siya ng pagkainis sa kaniyang mukha. " What did you say? He kissed a girl? Kaya ka umiiyak dahil doon?"
" Wala na kami masaya ka na? Siguro nga natutuwa ka na at nagpaparty ka na sa kaloob-looban mo. Kasi maaari mo na akong pestehen palagi." may inis sa boses na sambit ko.
Tinignan niya ako sa aking mga mata at hindi ako nagpatinag sa tingin niya bagkus ay masama ko siyabg tinitigan.
" Hindi ako nagsasaya na naghiwalay kayo. Kasalanan ko ba kung bakit nag-paapekto siya sa akin?" malamig niyang turan.
Bakas ang inis sa mukha ng lalaking ito pero wala akong pakealam. He ruined everything.
" Sa tingin mo ba ginusto ko na maghiwalay kayo? Kung talagang mahal ka niya di siya mag-pa-pa-apekto sa akin. Kung talagang mahal ka niya hindi siya hahalik sa iba. Kung talagang mahal ka niya hindi ka niya pinapabayaan ngayon dito mag-isa!" sigaw niya sa akin
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Fiksi RemajaAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...