Chapter 4

143 18 14
                                    

Pagkatapos nang matinding tampuhan namin ni Daryl ay hindi na ito muling naging busy. Nakaluwag-luwag kami ng oras ngayon dahil nakapagpasa na siya nang kaniyang plates. Samantala, ang aking mini thesis ay hindi ko pa natatapos kaya’t narito siya sa tabi ko at nagtitipa sa aking laptop.

Nasa library kami ngayon kasama nang mga kaibigan namin, naiingit ang mga ito dahil si Daryl ang gumagawa ng aking proyekto. Imbes kasi na ako ang gumawa, siya na ang gumagawa at tumatapos. Ayaw naman niyang ibigay ang laptop ko at wala na akong magagawa doon dahil sinasamaan niya ako nang tingin.

“ Ako na kasi ang tatapos niyan, naman asungot, eh.” maktol ko

Tumingin siya sa akin at umiling. “ No, maglambing ka na lang sa akin at ako ang tatapos nito.” ngiting saad niya

Nagpout na lamang ako at nagpacute sa kaniya. “ Stop pouting, your lips is tempting.” usal niya

“ Give me back my laptop and I’ll stop,” sagot ko

“ Stop what you’re doing or I’ll kiss you?”

Napasimangot naman ako sa kaniyang tinuran. Nagsalita naman ang kaniyang kaibigan.

“ Sis, ayaw ka niyang patapusin sa ginagawa natin. Siya pa ang gumagawa para sa iyo,” ani ni Shieraye

“ Ayaw nga kaming tulungan ng mga mokong, samantalang ikaw, naku girl, ang swerte mo.” kinikilig na sambit ni Angel

“ Wala naman akong magagawa, ang talino niya kasi, baka nga mabaliw na iyan.” sagot ko

Napatawa naman si Daryl sa sinagot ko, “ Mababaliw sa iyo,” ngiting sagot niya
“ Omg! Nagblush ka ba talaga bes? Ang pula nang mukha mo!”

Ramdam kong uminit ang aking pisngi at mas lalo silang ngumisi sa akin ng nakakaloko. Titig na titig lang sila na para bang may mali sa aking mukha.

“ W-why are you staring at me?” I asked.

“ Mukha ka na kasing kamatis babe, ang pula nang mukha mo. Nainlove ka na naman sa banat ko?” pagmamayabang ng gago bago pisilin ang pisngi ko

“ Ang cute niyo pa rin mag-asaran, parang kailan lang noong aso’t pusa kayo.”

“ Tse! Walang cute doon Arielle. Teka, nasaan ba manliligaw mo? O baka naman boyfriend mo na?” baling ko kay Arielle. Napangiti na lang ito.

“ Nandiyan sa tabi-tabi nambababae! Charot!”

“ Gaga! Ano nga kayo na ba?” intriga ni Angel

“ Oo girl last week lang, hatid sundo pa nga ako mga bes!” kinikilig niyang sambit

“ Oh tapos?” basag ni Angel

Kinurot naman ni Angelo ang kaniyang pisngi. “ Ano ba! Binabasag mo naman ang momentum ni Arielle!”

Napatawa na lang kami dahil sa kakulitan. Ipinagpatuloy na lang namin ang aming ginagawa dahil konti na lang ay matatapos na.

“ Babe,” tawag ko kay asungot

“ Ha?” tanong niya

“ Wala,” tipid kong sagot

Ngumisi ito pero hindi ako tinitignan.   “ Hakdog!”
“ Gago! Pilosopo nito,” ungot ko sa kaniya

“ Bakit nga kasi babe?”

Kumapit ako sa kaniyang braso na patuloy sa pagtitipa. “ Wala, namiss lang talaga kita.”

“ Sus! Miss mo lang kagwapuhan ko, eh. Aminin.” mayabang niyang saad

“ Tch! Nakuha pa magyabang, pero oo na gwapo ka naman palagi sa paningin ko,” napansin kong namumula ang kaniyang tenga

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon