Chapter 15

108 11 0
                                    

" Hindi mo madidiktahan ang pag-ibig na uhaw din sa pagmamahal."

Tatlong araw akong namalagi sa ospital pero walang Daryl na bumisita or what. I felt sad dahil hindi man lang niya ako binisita. Akala ko ba mahal niya ako?

Sabi nila mommy at daddy siya ang nagdala sa akin sa ospital. Pero mula nang pauwiin siya ni Dad para magpalit hindi na siya bumalik. Kinausap ko ang mga kaibigan ko pero hindi nila alam kung saan nagpunta si Daryl.

Kinausap ko din ang kaniyang mga magulang pero ayaw nilang sabihin. I know nasaktan ko si Daryl. Nasasaktan din naman ako.

Nakauwi na kami sa aming bahay at kasama ng aking mga kaibigan.

“ Alexa, pasensya na hah. Hindi talaga namin alam kung saan siya nagpunta. Balita ko din sa mga professor namin na nauna siyang mag-exam. Humingi din siya ng record niya sa school.” paliwanag ni Dwayne.

Maybe umalis na siya. Iniwan na nga niya ako ng tuluyan. Naiiyak na naman ako sa aking nalaman pero kailangan kong magpakatatag. Siya ang umalis at hindi ako.

“ Tahan na Alexa. May rason siguro siya para lumayo.” saad ni Angel

I hugged her. “ Mahal ko siya, eh. Pero bakit wala siya?” I sobbed

“ Hush now, he’s gonna be alright. Both of you will gonna be alright.”

Niyakap siya isa-isa ng kaniyang mga kaibigan. “ Rest, Alexa. Iyon ang kailangan mo. Exam na namin sa susunod. Don’t stress youself anymore.” aniya ni Shieraye

“ Let him be. Pagod na din siguro iyong tao. Alam namin na mahal ka niya at hindi niya gusto ang pag-alis niya sa tabi mo. Masakit din iyon para sa kaniya.”

They hugged me pero kulang. Kulang kasi wala si Daryl. I miss him so much. I need him.

Sinabihan akong umakyat ng mga kaibigan ko para makapag-pahinga ako. I went up straight to my room and laid myself to the bed.

Tumingin ako sa mga litrato namin ni Daryl sa aking kwarto at tumulo na naman ang aking mga luha.

Makalipas ang ilang minuto na pagmumukmok sa aking kwarto ay may kumatok sa aking pintuan.

*knock* *knock* *knock*

“ Bukas po iyan,” mariing kong saad

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si mommy na may hawak na gatas.

“ Kayo po pala mom,”

Pumasok si mommy at naupo sa aking tabi. Inilapag niya sa aking bedside table ang gatas na kaniyang tinimpla.

“ Are you okay, anak?” she asked

Umiling ako na may bahid ng lungkot sa aking mata. “ I’m not mom. Bakit wala si Daryl mom. I miss him so much and it hurts.”

I cried again. Hinaplos ni mommy ang aking mahabang buhok at pinapatahan ako.

“ Hush now anak. Siguro may dahilan si Daryl para lumayo sa iyo. You both need space and time. Just let him be.”

“ Paano kung pagbalik niya hindi na ako ang mahal niya mom? What if she find a woman na mas better sa akin? I know I hurt him kasi binalik ko ang singsing, pinagsisihan ko iyon mommy.”

“ It’s okay Alexa. Be strong. Kapag nagkita ulit kayo, malay mo mahal ka pa niya. You have to be brave.”
Niyakap ko si mommy. “ I’m afraid mom. Nag-away kami dahil sa iisang tao. Dahil kay Jared mommy.”

“ Shhh, I know na-ikwento na sa akin ng mga kaibigan niyo ang tungkol sa kaniya. At alam namin na gusto ka niya. Kaya iyon ang pinag-awayan niyo ni Daryl.”

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon