A/n: This is the continuation of chapter 33. The long wait is coming. Wedding bell is approaching😍
Third person’s POV
Nagising sa isang ekstrangherong kwarto si Alexa at bumungad sa kaniya ang mabangong kwarto at tiyak niya ito ay masters bedroom. Masakit ang ulo niyang bumangon at tila umiikot pa ang paningin niya.
“ Fuck this!” inis niyang usal.
Hinahanap niya ang gamit niya ngunit wala ito doon. Naglakad ito patungo sa bintana at tinanaw ang labas ngunit mahalimuyak at malakas na hangin ang nasalubong nito.
Inilibot nito ang paningin hanggang sa dumako ang isang hardin na punong-puno nang bulaklak na tulips at napatakip siya sa kaniyang bibig sa pagkamangha. Dali dali siyang lumabas at bumaba ngunit isang lalaki ang nabungaran niya sapagkat ito’y nakatalikod.
Binalot siya ng inis dahil sa hindi malamang dahilan. “ Hoy! Anong ginagawa ko dito? Did you kidnap me? Baka rapist ka? Ano ibebenta mo ang katawan ko?” tuloy tuloy na tanong ng dalaga.
“ No. I don’t kidnap you for nothing.” wika ng binata.
Kumunot ang noo ni Alexa at tila kilala nito ang boses. “ Do I know you, mister?” she asked.
Nagkibit balikat sa kaniya ang lalaki at magsasalita pa sana ito nang may naglagay ng blindfold sa kaniya.
“ Putangina mong hayop ka! Bakit kailangan mo pa akong lagyan ng blindfold?” sigaw niya.
“ Huwag ka na lang maingay diyan. Tiyak magugustuhan mo rin ito.”
Hinawakan siya ng naglagay ng blindfold at kinaladkad patungo sa labas. Nagpupumiglas lang siya sa paglalakad ngunit malakas ang mga lalaking nakahawak sa kaniya.
“ Bitiwan niyo ako! Mga hayop kayo!”
Hindi alam ni Alexa na sila Kurt ang may hawak sa kaniya. Tila naririndi na rin ang dalawang lalaki na nakahawak dito kaya’t nagsalita na sila.
“ Tumigil ka na sa kakadakdak mo miss. Walang makakarinig sa iyo rito. Kahit magsisigaw ka.” ani ni Kurt
“ Hintayin mo na lang na makarating tayo kay bossing.” saad naman ni Dwayne.
Matinding inis at kaba ang nararamdaman ni Alexa dahil wala siyang takas sa dalawa. Mahigpit ang hawak ng mga ito kaya’t hindi siya makalaban.
“ Nasa GMA si bossing, bobo!” pabalang nitong sambit.
Hindi na siya pinansin ng mga ito at tila sila ay tumigil sa paglalakad. “ Maiwan ka na namin diyan. Tanggalin mo ang blindfold mo kung gusto mo.”
Mabilis na naglakad palayo ang dalawang kaibigan ni Daryl para magtago. Hindi alam ni Alexa na nagtatago lang din sa likuran niya si Daryl.
Dahan dahan niyang tinanggal ang blindfold at nanlalabo ang mata niyang tumingin sa paligid. Madilim ang paligid at siya’y natakot kaya’t napaupo na lamang siya habang naluluha.
“ Daryl, nasaan ka bang asungot ka?”
“ Bakit di mo ako iligtas dito? Wala ka man lang paramdam.” patuloy na pag-iyak niya.
Niyakap niya ang kaniyang paa at tumungo na lamang ito. “ Papakasalan pa kita tapos hanggang dito na lang ako? Paano na iyong pangarap nating pamilya?”
Sa kabilang dako naman ay nagpipigil si Daryl na huwag lapitan si Alexa dahil gustong gusto na niyang punasan ang luha ng babaeng mahal niya. Ayaw niyang umiiyak ito kaya’t napilitan na siyang lapitan ito.
“ Stand up, babe.”
Nagpatuloy sa pag-iyak si Alexa. “ Kung papatayin mo ako, sige lang. Patayin mo na ako. Tutal naman ay mukhang wala nang pakealam ang boyfriend ko.” hagulgol nito.
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Ficțiune adolescențiAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...