Chapter 23

73 6 0
                                    

**

**

**

Exam na namin ngayon at kailangan kong pumasok ng maaga. Masyado akong naging tutok sa pagrereview nitong makalipas na araw. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko.

They give me time to review and fix myself at ngayon okay na ako. I just need to talk to Jared after the exams para matapos na ang sakit na dahilan ay ako.

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa room namin dahil maaga ang exam namin ngayon. Alam kong nauna na ang mga girls sa akin kahi hindi ko sila tawagn o I-text.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa tapat ng room namin at huminga bago pumasok.

I smiled at my friends na nasa dulo at nagliwanag naman ang kanilang mga mukha nang makita akong nakangiti. After so many days na hindi ko sila nakasama marahil nagtataka ang mga ito.

Nasa upuan ko na ako at inilibot ang tingin at nakita ko si Jared na nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kaniya at ngumiti din siya sa akin bago kindatan.

Psh! Baliw talaga ang gagong iyon! Hinayaan ko na lang at naupo sa aking upuan.

" Girl, blooming ka today. And what's with that smile?" tanong ni Shieraye.

Napangiti ako sa kaniya ng malawak. " Hmm, nothing. Masama ba?"

Binatukan nila akong lahat. Grabe, ayaw ba nila akong makita na nakangiti?

" Gaga! Ikaw na nga iyan, bumalik ka na sa pagiging mataray! Congrats kita diyan!"

" Bakit kayo nambabatok? Kayo kaya batukan ko?" taas kilay kong tanong sa kanila.

Nag-peace sign ang mga gaga. Suko din pala.

It's good to be back on my mataray mode. Nandoon pa rin ang sakit but I can make it as a motivation to move on.

" By the way, nakausap mo na ba si Jared?" Angel asked me.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng totoo hindi iyong pilit.

" Not yet, maybe after the exam para hindi mabigla iyong tao." sambit ko

" Good. Mabuti naman at natauhan kang gaga ka." saad niya

Hinila ko ang hibla ng buhok niya.

" Alangan naman na hindi ako matauhan, gaga ka talaga. Thanks for your words pala." pasalamat ko.

" No worries sis, I got your back."

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang proctor namin. Nakakatakot kasi finals ngayon tapos matandang hukluban pa ang magbabantay.

" Grabe, matandang hukluban ang magbabantay sa atin, hindi kaya masungit iyan?" usal ko kay Shieraye.

" Gaga ka talaga, Alexa. Baka nga menopause na iyan." sagot niya sa akin.

Lihim kaming napatawa ng mahina para hindi marinig ni matandang hukluban.

" Get one and pass." saad nito.

Ipinasa namin ang test paper sa likuran namin.

" You may now start. No side glancing and cheating."

' Akala mo naman makakapag-cheat kami, letseng matanda ka.' gustong gusto kong isagot pero tumingin na lamang ako sa test paper namin.

**

**

**

Daryl's POV

Kasalukuyang exam nila Alexa ngayon at graduation ko naman ngayon. Nandito na rin ang parents ko dahil gusto kong makita nila ang pinaghirapan ko. Gusto kong sila ang magsuot ng medalya sa akin.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon