Chapter 8

113 11 0
                                    

Today is Saturday and means Saturdate with Daryl. Maaga akong nagising para gawin ang daily routine ko. Gonna enjoy the day today dahil back to normal na next week. Marami na naman gawain dahil malapit na din ang midterm exam.

Nagbihis na ako ng hanging blouse and a jeans. Pinaresan ko ito ng sneakers na white. Inilugay ko na lang ang mahaba kong buhok at bumaba na.

Nakarating ako sa kusina at naabutan ko ang parents ko. Binati ko sila at hinalikan sa pisngi.

“ Good morning mom!”

“ Good morning dad!”

“ Early today princess. May lakad ka ba?” tanong ni Dad

“ Yes dad, may lakad kami ni Daryl. Akala ko ba nagpaalam na siya sa inyo?”

“ Ah, yes. Nagpaalam na siya kahapon sa akin through chat.” ano? Magkachat sila ni daddy?!

“ Chat?! Magkachat kayo dad?” takang tanong ko

“ Oo. Iyong sa messenger princess.” nakangiting sabi ni dad

“ Hay nako anak, ang ama mo na-adik na diyan. Ano oras ba darating si Daryl?”

“ Sabi niya malapit na siya mom kanina. Baka nandiyan na siya sa loob ng subdivision.” sagot ko

“ Nah, my baby girl grown up already! You really look like your mom!”

“ I’m flattered dad!  HAHAHA.” napatawa na lamang kami sa hapagkainan.
Sinabihan ko naman si yaya na kapag dumating si Daryl ay pagbuksan na lang nila ng pinto.

Lumipas ang limang minuto ay may nagdoorbell. “ Daryl is here na siguro anak,” sabi ni mommy

“ Yes mom, siya na nga ang gwapong dumating.” saad ko

May pumasok sa kusina at iniluwa doon si Daryl. “ Hello tito, tita. I heard gwapo sa inyong usapan. I assume that it’s me?” mapilyo siyang nagtanong

Tumawa na lang ang magulang ko sa kayabangan ng asungot na ito. “ Yeah, you heard it right Daryl.”

Ngumiti ito at lumapit sa akin. Ginawaran niya ako nang halik sa aking noo. “ How’s your sleep?”

“ Good.” simpleng sagot ko.

Nagmano siya sa parents ko bilang respeto. “ Ang galang talaga ng binatang ito.”

“ Si tito talaga, binola pa ako.” sagot naman niya

“ Samahan mo kami mag-breakfast bago mo tangayin ang anak ko,. uy!”

“ Tita tinangay na nitong anak niyo ang puso ko.”

Halla! I can feel my face turned to red as Lycopersicon esculentum. Goodness! Ang aga-aga

“ Heh! Ang aga-aga. Lalanggamin na naman sila mommy niyan.” sabi ko

“ Actually anak kanina pa kami linalanggam.” pilyo at ngiting sabad ni Dad

“ Sabi ko sa iyo, eh. Mas matindi pa ang mga iyan kung maglambingan.”

“ Hayaan mo na babe. Inggit ka ba?”
Natawa na lang ang magulang ko at nagpout na lang ako sa aking upuan. Kumain na lamang kami hanggang sa dumako sa studies namin ang tanong ni dad.

“ How’s engineering Daryl?” kapagkuwan ay tanong ni daddy

“ Ayos lang naman tito. Madaming plates and minsan nawawalan ng time sa magandang babae sa buhay ko.” aba! Nagawa pa niyang bumanat.

“ Mahirap ang engineering, kung tutuusin parang lawyer lang iyan. Lalo kapag ang pasahan ay malapit lang sa deadline ibibgay. Kaya ikaw Alexa, give time to Daryl. Huwag magtampo agad. Pero you can balance your time. Just practice time management.” payo ni dad

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon