Chapter 24

81 7 0
                                    


Pagkatapos nang graduation ni Daryl ay siya namang pagtatapos nila Alexa bilang 3rd year college. Magsisimula na naman ang panibagong pagsubok nila Alexa sa kolehiyo habang si Daryl ay nagsisimulang bumuo ng sariling pangalan sa espanya.

Madaming nangyari noong nakaraang bakasyon nila dahil imbes na tumambay sa mga bahay nila ay nagsimula silang magtrabaho sa kompanya nang mga parents nila.

Sa maikling panahon na ginugol nila ay natuto ang mga ito sa kompanya ng kanilang magulang.

Hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nang magkakaibigan sa isa’t-isa gayunpaman, si Alexa ay hindi na muling nagpaligaw pa kay Jared at naging magkaibigan na lamang ang dalawa.

Natauhan na din sa wakas si Alexa ngunit hindi na siya ang dating Alexa na nakilala nating lahat. She’s fearless and her attitude gone bad. Hindi naman sa pagiging bitch but she’s really rude right now.

Nasa iisang unibersidad pa rin sila nang kaniyang mga kaibigan at nasa huling taon na sila sa kolehiyo. Kalagitnaan na nang klase ay nagkaroon na naman sila nang maraming gawain kaya’t ngayon sila’y nakatambay sa garden ng school para gawin lahat ng iyon.

“ Sis, running for summa cumlaude ka na talaga. Totoo talaga?” aniya ni Angel

Umismid lamang ito sa kanila.
“ Alangan namang nagcra-crawl ako para sa summa cumlaude?” pambabasag ni Alexa

“ Heh! Gaga ka talaga, pilosopa.”

Inirapan lamang ito ng dalaga at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Ang mga kaibigang lalaki ay gumagawa nang sariling plate sa kanilang room kaya wala sila dito ngayon.

Si Jared naman ay gumagawa na din ng kaniyang proyekto at tahimik na lamang sa kaniyang kinuupuan. Hindi ito masyadong palaimik mula noong nagsimula ang kanilang klase.

Lumapit sa kaniya ang dalaga at kinausap.

“ Tapos mo na?” tanong nito.

Ngumisi ang binata. “ Nakita mo na bang tapos ko na?” pamimilosopo nito sa kaniya.

Binatukan siya ng dalaga. “ A-aray naman,”

“ Nagtatanong ako nang maayos, matuto kang sumagot ng maayos.”

Napatawa naman ang lalaki sa tinuran ng dalaga.

“ Saya ka?” sambit ulit ng dalaga dahil hindi pa rin mawala ang tawa ng binata.

Napabalik sa wisyo ang binata dahil sa boses ni Alexa. Naging seryoso ang mukha nito ulit na tumingin sa dalaga.

“ May masaya bang nalulungkot?” sagot niya ulit

Tinignan siya nang masama ni Alexa at akma itong babatukan ngunit nagsalita ulit ito.

“ Hindi, joke lang. Oo na masaya ako kasi bumalik ka na sa pagiging mataray mo.”

Natural na ngiti ang ipinukol ng dalaga sa binata kaya gumanti na din ng ngiti ito.

“ Sus, parang hindi nasanay. Ayos na ito kaysa naman maging malungkot ako. At least nandiyan kayong mga kaibigan ko para pasayahin ako.” aniya

Ginulo ni Jared and buhok ni Alexa at napangiti siya sa kaniya.

“ Aishh! Stop messing my hair, ang hirap na ngang suklayin, eh.” reklamo ng dalaga.

“ Pagupit ka na kasi, bagay mo din naman ang short hair. Psh!” giit ng binata.

“ Oh, di ikaw na ang magpagupit baka nga bagay mo,” pamimilosopo ng dalaga.

Asar talo din kasi minsan itong si Jared kaya imbes na sagutin si Alexa ay minabuti na lamang nitong itikom ang bibig at hinawi ang buhok nito para ayusin.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon