It hurts when someone you loved, ignore you.
Daryl’s POV
Hindi matanggal sa akin ang inis dahil sa proyekto nila Alexa. Ayos lang kung iba ang kapartner niya sa proyektong iyon basta huwag lang ang Agoncillo na iyon. Hinatid ko siya sa kanila noong hapon ng lunes at hanggang ngayon, hindi ko siya pinapansin. Selfish na kung selfish pero ayaw ko talaga na may dumidikit sa kaniyang iba.
Araw ng huwebes ngayon at nauna na akong pumasok sa room namin. Hindi ko sinundo at inihatid si Alexa sa building nila. May tatapusin pa akong plates dahil ipapasa namin iyon sa lunes.
Medyo marami na rin tao sa room nang dumating ako. Naupo ako sa pwesto ko sa dulo at inilabas ang plates ko. I checked my phone kung may messages ba si Alexa doon. May nakita akong dalawang text mula sa kaniya.
From: Amazona ko :*
5:30am [ It’s okay kung hindi mo ako pinapansin. Maayos pa ba tayo? Take care always, remember that I love you so much!:*]7:45am [ Naiintindihan kita Daryl. I always understand you. But please don’t be jealous. I love you and I’m always yours. Wala naman akong pakealam kung may magkagusto sa akin, as long as ikaw iyong nagugustuhan ko at mahal ko. I’m sorry:(]
Iyon ang laman ng text niya. Maayos pa ba kami? I’m sure maayos pa naman kami. Hindi lang naman kami nagpapansinan. Hindi na ako nagreply at ibinalik sa bag ko ang cellphone ko.
Sinimulan ko nang gawin ang plates ko. Mga ilang minuto ang lumipas ay may nakita akong paa na nakatayo sa harapan ko, hindi naman paa nila Angelo kundi paa ng babae. Inangat ko ang aking tingin at nakita ko na naman ang mukhang uod na inaway ni Alexa.
Malamig ko siyang tinignan. “ What? Umalis ka sa harapan ko nakakairita ka!”
“ Ouch! Daryl my loves dinalhan kita nang pagkain, I’m sure you’re hungry. I bake some cookies.” she palyfully grin“ Hindi ako tumatanggap ng pagkain mula sa malanding kagaya mo. Now get the hell out of my sight!” malamig ko pa rin sambit sa kaniya
“ Why so sungit my loves, nag-away ba kayo ng girlfriend mo?”
Tch! Tangina pinaalala pa! “ Lalayas ka o kakaladkarin kita?!”
Masama ko siyang tinignan kaya natakot siguro at umalis naman siya. Tch! Bitches!
Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang aking mga kaibigan. Tinapik ako sa likod ni Angelo at Dwayne.
“ Alam mo dude, pansinin mo na ang girlfriend mo.” umpisa ni Angelo
“ Pumasok na naman na namumugto ang mata pare. Tinawagan niya si Angel kagabi na umiiyak. You know Alexa will understand yoou pero kapag napagod iyan, tiyak kong susukuan ka niya.” saad pa ni Jayson
No! Hindi ako susukuan ni Alexa dahil mahal niya ako. Hindi lang kami nag-uusap dahil sa Agoncillo na iyon! Hindi ako papayag na sukuan ako ni Alexa.
“ She’s crying, cause she misses you so much. She’s crying, cause she loves you that much. She understand you, kahit hindi mo siya pinapansin.” wika ni Kurt
Nalungkot ako sa sinabi nilang iyon. I hate seeing her tears na ako iyong dahilan. I wanna hugged her cause I missed her too. I wanna kiss and wipe her tears away because of me.
“ I-I’m just fucking jealous dahil sa lalaking iyon. Who wouldn’t be mad kung ang girlfriend mo kapareho ng may gusto sa kaniya?” saad ko
“ Bakit gusto ba siya ni Alexa? Dude ikaw ang nobyo niya! Mahal na mahal ka no’n, eh.”
“ Huwag mong hayaan na kainin ka ng selos mo dude, baka iyan pa ang dahilan ng hindi niyo pagkakaayos.”
“ Talk to her at ipakita mo sa lalaking iyon na kahit nandoon siya sa paligid ni Alexa, hindi siya mahuhulog sa kaniya. Ipakita mo na you have her for the rest of your life.”
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...