Daryl’s POV
Masaya akong umuwi sa amin noong hapon na iyon. Balak kong sorpresahin ang amazona ko at napag-usapan naman na namin nila Tito at Tita ang proposal na gagawin ko.
I don’t want to dissapoint Alexa for my proposal kaya gusto kong hindi muna siya pansinin ng ilang araw dahil kapag pinansin ko siya ay baka madulas lamang ang aking bibig at agad agad akong mag-propose sa kaniya.
Nakauwi na ako at naabutan ko pa sila mommy sa sala habang nanunuod ng balita. Napansin ako ni Daddy kaya tumango ako at nginitian siya ng malawak. Sumulyap naman sa akin si Mommy at pinalapit sa kanila.
“ Lawak ng ngiti ah, saan ka galing anak?” tanong agad ni Mommy.
I smiled at her at umupo sa kabilang sofa. “ Alexa’s house, Mom.” sagot ko pa.
“ Oh? Kayo na ulit? Mukhang naka-score ang anak ko ah.” magkasabay na sabi nila bago nagkatinginan. Seriously? My parents is really annoying sometimes. Tsk!
Tumayo na ako at nagpaalam na lang sa kanila. “ Nevermind, parents! Aakyat na muna ako.”
Umakyat na ako at nahiga sa aking kama. I get my phone on my pocket and texted Alexa that I got home safely and waited for her reply but no text at all. I just sent her goodnight and I doze off to sleep.
***
Maaga akong nagising at nag-ayos dahil tutungo ako ngayon sa bahay na ipinagawa ko. Bumaba na ako at sinalubong ako ng aking magulang at sabay kaming kumain sa hapagkainan.
“ Good morning Mom, Dad.” bati ko sa kanila.
“ Yeah. Good morning son.” ngising bati ni Dad sa akin.
Si mommy ay tumango lamang bilang pagbati tsaka nagsimulang ihanda ang pagkain namin. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagtext kay Alexa.
To: Amazona ko:*
[ Good morning, amazona ko. I love you:*]Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa ko dahil handa na ang agahan namin. Nagsimula na akong kumain habang sila mommy ay nag-uusap tungkol sa investor na i-mi-meet nila mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. “ Aalis na ako mom, dad. Pupunta pa ako sa site nang bahay namin ni Alexa dahil alam mo niyo naman na iyong balak ko diba.” saad ko sa kanila.
“ Ingat ka sa daan, son.” paalala ni mommy na ikinatango ko na lamang. I kissed my mother’s cheek at tinapik sa balikat si daddy.
Lumabas na ako nang bahay at sumakay sa kotse ko. Alas otso pasado pa lamang ay nasa EDSA na ako. Hindi pa naman masyadong traffic kaya pwede pa akong magpatakbo nang mabilis.
I heard my phone beep and I checked the message while driving. I saw Alexa’s good morning message from me pero hindi ko siya ni-replyan. I texted my friends para tulungan ako sa surprise ko kay Alexa. Tinawagan ko rin si Angelo na huwag inisin ang mahal na amazona ko at baka mabulilyaso pa ang sorpresa ko.
Lumipas ang ilang oras na pagmamaneho ay nakarating na ako sa magiging bahay namin ni amazona ko. Maayos na ang lahat dahil na din sa tulong nila Tito at Tita. They know about my proposal at ang kailangan ko lang ngayon ay si Alexa at ang matamis niyang “oo”.
Naisipan kong dito ko na lang sa magiging bahay namin mag-propose dahil alam akong mahalaga ito para sa kaniya at tiyak na magiging memorable ito sa kaniya.
Kakababa ko pa lang ng kotse nang tumunog ang cellphone ko at napansin kong ang ama ni Alexa ang tumawag kaya sinagot ko na ito.
“ Yes hello, Tito? Po? Lumabas na siya?” tanong ko.
‘ Yes! Sige na at mag-aayos pa kami ng tita mo.’ paalam niya.
Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kaniya. Tinawagan ko naman ang mga kaibigan ko na alam na nila ang gagawin. Sinusundan lamang nila si Alexa dahil gusto kong matiwasay itong makakarating sa harap ko.
Napatingin ako sa singsing na hawak ng kanang kamay ko at hinaplos iyon. “ Malapit ka nang mapasaakin, babe. Konting tiis na lang and you’ll be my Mrs. Alexa Gabrielle Salvador.” ngiting kausap ko ang sarili ko.
Inayos ko na muna ang sarili ko at syempre kailangan kong maging gwapo sa future asawa ko. Takot ko lang na baka tumingin pa ito sa mas gwapo sa akin. Oh! Shoot!
Handa na rin ang sasabihin ko sa kaniya pero kinakabahan ako. Potek! Tumingin ako sa salamin at napatitig sa itsura ko.
“ Huwag ka nang kabahan, gago! Konting tiis na nga lang at magiging fiancee mo na ang babaeng mahal na mahal mo.”
“ Mahal ka niya, hindi ka tatanggihan. Ang importante ikaw at siya at tinamaan ka ng lintek sa kaniya.” pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Para akong tanga dito na nakatitig sa sarili ko at iniisip ang mangyayari mamaya. Napabalikwas ako ng upo dahil sa pagtunog muli nang aking cellphone. Kinuha ko ito sa maliit na lamesa at sina Angelo pala ang tumatawag.
“ Oh? Nasaan na kayo dude?”
‘ Sinusundan palang namin ang soon to be wife mo. Kasama namin ang girlfriends namin.’ sagot ni angelo.
Nakarinig ako nang kaluskos sa kabilang linya at bigla kong nailayo ang cellphone sa aking tenga dahil sa pagtili ng mga babaeng iyon.
“ Putangina mo, Angelo! Patahimikin mo ang mga iyan. Ang sakit sa tenga dude!” inis kong wika kay Angelo.
‘ Hoy, tinutulungan ka na nga, aarte ka pa.’ boses ni Shieraye.
Napailing na lang ako. “ Huwag ka ngang sumabat hindi ikaw ang kausap ko. Now, give the phone to the boys and don’t interfere with what I am saying.” sambit ko sa kaniya.
‘ Hoy, dude. Wala naman ganiyan sa girlfriend ko.’ wika ni Kurt.
Napahawak ako sa aking sentido.
“ Just do what I am saying, dude. Ayaw kong pumalya sa sorpresa ko.” at ibinaba ko na ang tawag.Alexa’s POV
Umalis ako nang bahay para pumasyal saglit. Hindi naman ako tanga o bobo na tao kung wala akong napapansin sa aking paligid na may sumusunod sa akin. Nasa mall na ako ngayon, mag-isa at walang kasama dahil ang mga babaeng iyon ay may kaniya-kaniyang date daw.
Hindi na naman nagparamdam sa akin si Daryl. Isang mensahe lang ang natanggap ko sa kaniya ngayong umaga. Iyon ay ang pagbati lamang niya sa akin.
Nakakainis dahil mag-isa akong nagliliwaliw ngayon ngunit ramdam ko pa rin ang mga matang tila nagmamatiyag sa aking galaw.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Daryl pero out of coverage ito. Napailing ako sa isang inhibisyong pumasok sa utak ko. Paano na lang kung may inaasikaso siyang babae?
“ Hayst! Nakakaasar. Ano ba at naisipan niyang I-off ang cellphone niya? I hate you na talaga asungot!” bulong ko sa aking sarili.
Nagpalipas ako sa loob ng mall at bumili nang mga damit. Nagliwaliw na lamang ako sa mga botique na pinapasukan ko. Dumako ang tanghalian ay dumiretso ako sa Mcdo para doon kumain.
Hindi masyadong madami ang pila kaya’t nakabili ako agad ng pagkain at nilantakan iyon. May ilang oras pa akong tumambay sa loob ng Mcdo bago nagtungo sa parking lot at uuwi na lang.
“ Wala talagang paramdam ang lalaking iyon! Nakakaasar!” usal ko.
Nakarating ako sa aking kotse at akmang bubuksan na sana ang pinto nang may biglang tumakip sa aking mukha.
“ H-hmmmp…” nagpupumiglas ako ngunit nanghina na lamang ang aking katawan at kinalaunan ay kadiliman na lamang ang aking nasilayan.
***
Ps. Oh bitin ba kayo? HAHAHA okay lang guys. May kasunod pa naman. Huwag mag-alala easy lang ang puso niyo baka mahimatay kayo sa kilig. Charot lang po!
Sana magustuhan niyo ang susunod na chapter kasi last chapter na iyon at magtatapos na ang istoryang inyong sinusubaybayan.
Let’s give you around of applause at sana dumami pa ang reads and votes nito. I hope na sana magustuhan niyo. THANK YOU VERY MUCH! THANK YOU!
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Novela JuvenilAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...