“ He’s a keeper, yet you choose to hurt him."
Kurt’s POV
Hello guys! Kurt at your service! So ito nga, nagdaan ang dalawang linggo matapos ang exam at dalawang linggo na din mula noong tumawag sa amin si Daryl. Ni ha ni ho, ay wala na naman paramdam ang gago siguro ay busy nga talaga ito.
Magkakasama kami ngayon ng barkada. Nasa garden ulit kami ng school at kung minalas ka nga naman, kasama na namin ang tarantadong Jared na iyon.
“ Hoy!” tawag ko sa atensyon niya.
Tinignan niya ako nang masama. “ Baka gusto mong layuan ang kaibigan namin? Hindi mo iyan pagmamay-ari.”
“ Hindi ko pa naman inaangkin,” basag niya
Aba! Gago ba siya. Akala mo kung sinong makaasta, ang kapal ng mukha.
“ Hindi mo naman ma-aangkin iyan,” banat ko sa kaniya
Nagsukatan kami ng tingin.
“ Oy, tama na iyan guys. Baka mag-away pa kayong dalawa. Hayaan mo na lang Kurt.” awat ni Dwayne sa amin.
Inawat ako ni Shieraye at hinawakan ang kamay ko. Iyon ang nagpakalma sa akin.
Binalingan naman nang tingin ni Dwayne si Jared. “ Pasesnya dude, hindi niya lang matanggap na kasama ka pa rin namin.”
“ Huwag kang humingi ng pasensya. Hindi niya deserve, kasalanan niya naman kung bakit naghiwalay si Daryl at Alexa.” inis kong sambit.
“ Takpan mo mukha mo kung ayaw mo akong makita. Gusto mo dalhan pa kita ng karton para pantakip sa mukha mo?” ani ni Jared na puno ng sarkasmo.
“ Enough!” sigaw ni Alexa.
Tumingin ako sa kaniya na may lungkot ang mga mata.
“ Oh, pasensya Alexa. Hindi ko lang talaga tanggap na kasama natin siya,”
“ …He’s a keeper, yet you choose to hurt him.” dagdag ko bago nilisan ang lugar na kinaroroonan namin.
Sumunod sa akin si Shieraye at hinablot ang kamay ko. Napatigil ako sa kaniyang ginawa.
“ What?” malamig kong sambit.
Tinignan niya ako nang masama. “ Ano ba ang problema mo kay Jared? Okay naman kay Alexa na nandoon siya.” saad niya
“ Kung ayos lang kay Alexa iyon sa akin hindi. Alam mo ba kung ano ang magiging reaksyon ni Daryl kapag nalaman niya ito?”
Oh fuck! Ngayon ko lang na-realize! Tangina! Wala nga palang alam ito tungkol kay Daryl.
Pinanliitan niya ako ng mata. “ Umamin ka nga sa akin Kurt, alam mo kung nasaan si Daryl right?”
Ang tanga mo kasi Kurt! Padalos-dalos ka tuloy sa mga sinasabi mo.
Sinalubong ko ang kaniyang tingin. “ H-hindi ko alam kung nasaan ang mokong.”
“ Huwag ka nang magsinungaling. Paano makakarating kay Daryl kung walang magsusumbong?”
I sighed. I need to make sure na hindi niya sasabihin sa mga kaibigan niya ang tungkol dito. Tanga mo kasi Kurt!
“ Okay, fine. We know where he is including his parents and her parents. Kayo at si Alexa lang ang hindi nakakaalam. So please alam kong ayaw mo na nakikita si Alexa na malungkot sweetiepie, huwag mo sanang sasabihin sa kaniya.” paliwanag ko.
“ Why? Kurt nasasaktan iyong tao. Halos araw-araw siyang nagdudusa sa pag-alis ni Daryl.”
Hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya sa mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/232145344-288-k708329.jpg)
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...