Graduation……
Alexa’s POV
Today is our graduation day, and I’m excited dahil suma cumlaude ako. Inaasahan ko na din naman iyon. Akala ko nga summa cumlaude din si Jared pero it turns out na naging magna cumlaude na lang ito.
Ang mga kaibigan ko naman ay cumlaude and they’re proud of it. Pinaghirapan din naman nila iyon at ang mga gaga ay ininggit ang mga boyfriend nila pero sa totoo lang ay magna cumlaude silang lahat. Ano iyon friendship goals lang?
Nandito na kami sa venue. Hinintay ko muna ang mga kaibigan ko dahil pinauna ko nang pumasok ang parents ko.
Ilang minuto pa ay nandito na ang mga sissies ko na naka-dress at make up. Ako? Light make up lang kasi natural na ang ganda ko.
“ OMG! Congrats sa atin mga sis!” tili ni Rizza
“ I can’t believe na cumlaude tayo! My gosh!”
Bago pa magsalit si Shieraye at Arielle ay pinatahamik ko na sila.
“ Pumasok na nga tayo kung ayaw niyong ipaback out ko ang pagiging cumlaude niyo!” mataray kong sambit at naglakad na.
“ Tse! Gaga ka talaga Alexa!” sigaw nila.
Naglakad na din sila papasok at nakita na namin ang batch ng engineering na magsisipagtapos.
Lumapit sa amin ang mga jowa nila at binati kami kaya binati na din namin sila.
Suddenly, Kurt’s phone rang.
“ Excuse me guys, sagutin ko lang ito.”
Nagpaalam siya at lumabas sa may venue para sagutin ang tawag. Nakangisi pa ang gago nang makita kung sino ang tumatawag pero hinayaan na lang namin.
Inilibot ko ang aking tingin sa buong area. I wish Daryl was here, watching me na kumukuha ng diploma. Gusto kong yakapin siya at pasalamatan. Proud kaya siya sa akin?
Nalungkot ang aking mukha sa isiping iyon. Napansin naman ng iba ang pagiging tahimik ko.
“ Sis, ayos ka lang?” pagtatanong ni Arielle.
Ngumiti ako sa kanila ng pilit. “ Of course, may okay bang hindi nakangiti?”
“ Aysus, huwag mo nang I-deny, alam namin na proud iyon sa iyo kahit wala siya dito.” sambit ni Shieraye.
Kahit hindi nila sabihin alam na alam nila na si Daryl ang iniisip ko. Ngumiti na lang ako sa kanila.
Ilang minuto pa ang lumipas sa pagbabatian ay naupo na kami sa aming mga puwesto dahil magsisimula na ang seremonya. Nagtawag na ang MC ng graduates para umakyat sa entablado.
As the ceremony continued, I roamed around my eyes dahil kanina ko pa napapansin na may nakatingin sa akin. I don’t know but that stare is familiar to me.
Napansin siguro ng mga kaibigan ko kaya kinausap ulit nila ako.
“ Are you really okay, Alexa?” tanong ni Angel.
“ Ramdam kong may nakatitig sa akin at pamilyar iyon Angel. Hindi ako puwedeng magkamali.” saad ko
Iniisip ko na si Daryl na lang sana ito.
“ You sure? Kung si Daryl man iyon, bakit hindi siya magpakita?”No. Dapat hindi ko ipakita na na-aapektuhan ako sa kaniya. I moved on right?
“ Guni-guni ko lang siguro. Nevermind!” sambit ko na lang.
Hindi na sila umimik pa at tumahimik na lang ako. Hindi ko na lamang pinansin ang titig na iyon at binalewala ko na lang ito.
Nang maglaon ay natawag na ang pangalan ko at ang mga titig ay hindi pa rin mapawi.
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...