Chapter 17

97 12 0
                                    

" I can cheat, but I don't."

Daryl's POV

Umalis ako ng bansa, nakiusap ako sa parents ko na huwag sasabihin kay Alexa kung nasaan ako. Alam ng mga kaibigan ko kung nasaan ako, tanging si Alexa lang ang hindi nakaalam pati parents ni Alexa ay alam kung nasaan ako.

Kinausap ko noon si tito bago umalis ng bansa. I also take up my exams and get all my credentials para makapag-enroll ako sa Unibersidad de Madrid.

Yes, nasa Espanya ako. Mahirap man ang mag-isa pero kakayanin ko. Alam kong may maiiwan ako sa pilipinas pero kapag nanatili ako doon, baka hindi kami magka-ayos ni Alexa.

Gusto kong baguhin iyong ako, gusto kong buuin iyong sarili ko. Para kapag umuwi ako sa pilipinas may mukha akong ipagmamalaki kay Alexa.

Masakit, lalo pa at walang Alexa na laging nandiyan. Iyong kulitan, asaran at siyempre iyong lambingan but I should make it as a motivation. Kahit sobrang hirap na iwan siya at ibigay ang gusto niya.

Kinuha ko ang singsing sa aking pantalon. Pinagmasdan ko ito at napaisip bigla.

Kapag ba bumalik ako sa pilipinas kakasya pa kaya ang singsing na ito sa palasingsingan niya? Ako pa rin kaya? Pero kung hindi na, hindi naman ako susuko hanggat hindi ko siya nakikitang masaya.

Ang daming nangyari sa paglipas ng araw, apartment at school lang ang aking routine palagi. Gumagawa ng plates, siyempre engineering student ako. Madaming kailangan tapusin. Nililibang ko ang sarili ko para hindi ko masyado isipin si Alexa.

Hindi ako gumigimik kasi hindi pa ako tuluyang nakakapag-adjust dito. May mga kaibigan man ako sa pinapasukan ko, pero hindi katulad sa mga kaibigan ko sa pilipinas.

Hindi ko kailanma pagsisisihan na umalis ako ng bansa dahil alam ko sa sarili ko, kailangan naming magmature ni Alexa.

Ngayon nasa apartment ako, kausap ko ang mga kaibigan ko. Tumawag kasi si Kurt sa akin. Nasa bahay lang daw nila sila pwera daw ang girls.

" Hoy dude! Kamusta Spain?" tanong ni Dwayne.

" Madaming chicks diyan? Dito kasi may inaaswang. Nawala ka lang." saad naman ni Angelo.

Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi.

" What did you say?"

" What? Iyong chicks?" sabad ni Angelo.

Umiling ako. " No, iyong sumunod na sinabi mo."

" Ahh, iyong inaaswang? Ay oo dude! Iyon nga, inaaswang ang mahal mo." sabad ni Kurt.

Tangina! Ilang linggo lang akong nawala! Inaaswang na ng gago ang amazona ko.

" Chill dude, ilang beses na nga tinaboy ni Alexa, masyadong mapilit." Dwayne said.

" Bantayan niyo amazona ko. Please lang mga pare. Hindi naman ako umalis para sumuko sa kaniya. Umalis ako kasi ito ang makakabuti sa aming dalawa."

" Copy dude."

" So madaming chicks diyan dude?"

Binatukan siya ni Dwayne at Jayson.

" Aray ko naman mga dude. Malay mo may I-uuwing chicks si pareng Daryl kapag nagreunion tayo." maktol niya.

" Sumbong kita kay Angel tangina mo!"

Napailing na lang ako sa katarantaduhan nila. Mga hindi pa rin nagbabago.

" Paano mo ako isusumbong? Edi nalaman ng mga syota natin na alam natin kung nasaan si pareng Daryl." banat sa kaniya ni Angelo.

" Tangina mo talaga. Makakaltukan kita, eh."

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon