Chapter 6

123 15 0
                                        

Tournament....

"Sportsmanship is important,no dirty tricks."

Lumipas ang ilang linggo at ngayon ay school festival na namin, ito'y ginaganap tuwing buwan ng september. Marami kaming pinagdaanan sa nakaraang linggo ni Alexa, marahil naging busy ako sa practice nang basketball. Minsan ko na lang siya maihatid sa kanila, pero hindi ko naman siya pinapabayaan. Bago ang practice namin ay sinisigurado kong susunduin siya ni Manong Roy na driver ng pamilya nila.

Kasama ko ang mga kaibigan ko, kaya otomatikong kasama namin ang girlfriends namin. Maraming tao ngayon na nagkalat at malay ba namin na baka kapag hindi namin sila kasama ay dumugin sila. Lalo pa ngayon, mainit ang tingin nila sa mga babaeng ito dahil sa nangyari noong nakaraan.

Nakapasok na kami sa court at madami na din tao, halos puno ang bleachers dahil malamang ang ibang taga Priston College ay nandito, ito ang kalaban namin ngayon sa tournament.

" Wala na kayong ibang mauupuan guys kundi sa bleachers na lang na nakalaan sa amin." paliwanag ko

" Sige kahit doon na lang basta walang masyadong babae na makakapagpainis sa amin." sagot ng nobya ko.

" Sige, wait lang papaalam lang ako kay coach babe." umalis muna ako saglit

Nagtungo ako kay coach at sinabi na kung puwede sa bleacher na lang namin muna ang mga babae dahil wala na silang mauupuan. Pumayag naman ito at nagpasalamat ako. Bumalik na rin ako kung saan ko sila iniwan.

" Guys, you can seat sa mga nakalaan na upuan sa amin."

" Woah! Thanks Daryl!" impit na sabi ni Arielle

Iginaya ko na sila sa kanilang uupuan. Habang iginaya ko sila sa kanilang uupuan ay nakaramdam ako nang isang titig mula sa paligid. Inilibot ko ang aking tingin at dumako ang mata ko sa isang lalaki na nakasuot ng jersey, namukhaan ko ito at napag-alaman na si Xyrus Agoncillo ito. Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero ang sinalubong ko ang kaniyang mga tingin sa akin? No, sa girlfriend ko ito nakatingin. Hinapit ko si Alexa at ngumisi lamang ito sa akin. Tinitigan ko siya nang walang emosyon ang aking mukha. I'm afraid na baka saktan niya ang girlfriend ko, hindi ako makakapayag doon.

Naririnig kong nagsasalita si Alexa sa tabi ko pero natulala lang ako.

" Babe? Are you alright?"

" Hey!"

" Daryl? Asungot!"

Napabalik lamang ako sa wisyo nang ako ay kaniyang sikuin sa sikmura.

" A-Aray ko babe, bakit?"

" Tse! Kanina pa kita tinatawag, ano ba ang tinitignan mo?"

Tumingin siya sa aking tinitignan at mabilis na inagaw ang mukha ko paharap sa kaniya.

" No, don't mind that jerk babe. Please?" ako lang ba ang nakakakita nang takot sa kaniyang mukha?

" I'm sorry, naka-kaintimidate kasi ang kaniyang titig sa iyo. Parang hinuhubaran ka na niya sa paraan ng titig niya."

Umigting ang aking panga sa aking nabatid.

" This is not the time asungot ko, pabayaan mo na. Susuotin ko na lang ang iyong jersey katulad dati." pilit niyang pagpapakalma sa akin.

Katulad ng kaniyang sinabi, isinuot nga niya ang jersey ko na may ' Salvador' sa likod. Naging panatag naman ako dahil doon.

*prrrrrrrrrrt* *prrrrrrrrrrrt* *prrrrrrrrrrrt*

Pumito na ang referee at hudyat na para pumasok sa loob ng court. Hinalikan ko muna si Alexa sa kaniyang noo bago umalis.

Madaming tao at madami na din nagsisigawan, hindi pa naman nagsisimula ang laro ay siguradong mainit ang unang labanan ngayon.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon