Tula para sa Pag-ibig

143 21 10
                                    

Ang pag-ibig na ito ay magulo
Minsan ay tabingi, minsan ay pabago-bago
Parang bulag ang katulad, tila hindi makita ito
Kung minsa’y may lokohan at puro pangako

Kung tunay ang pag-ibig, wagas na pagmamahalan
Madarama ang kilig sa una at hulihan
Sa kalagitnaan ay puno ng ngiti at tuwa
Ngunit hindi mawawaglit ang sangkatutak na problema
Ang pagmamahal ay dapat tapat at tugma

Segundo, minuto, oras at sandali
Ang pag-iisa ay dapat laging nakangiti
Ang sakit na pilit kumakawala
Hayaan mong maghilom at mabalewala

Kung maalala ang sandaling suyuan
Ito’y huwag kakalimutan
Sapagkat ngumiti na lamang
Sa sandaling pagsasama sa nakaraan

Lilingon ngunit hindi babalikan
Ang dating pag-ibig na nakasanayan
Mananatiling nakatago
Ang ala-alang pilit binabago

Kung ika’y iibig, sikapin na siya’y karapat-dapat
Huwag pairalin ang damdaming walang kaalaman
Dahil sa panahon ngayon, marami nang mapanlinlang.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon