Chapter 20

97 8 0
                                    

Madaming nangyari sa loob ng isang buwan. Isang buwan na din noong magsimulang manligaw sa akin si Jared, pero hindi ko siya pinagbigyan kaso makulit ang hudas. Pinabayaan ko na lang at magsasawa din siya sa panliligaw sa akin.

Nalaman din ng mga friends ko ang panliligaw ni Jared and parang hindi tanggap ng mga boys, siyempre kakampihan nila si Daryl. Nag-explain naman ako sa kanila na hindi ako pumayag magpaligaw.

Hindi naman sa hindi ko siya gustong magpaligaw, pero siya ang nag-offer tinanggap ko lang. I wish he could replace Daryl pero hindi yata kailanman mapapalitan sa puso ko ang lalaking iyon.

Pero hindi ko muna iisipin ang bagay na iyon, dahil kaarawan ko. Isasantabi ko muna ang sakit na nararamdaman ko. Oras ngayon para sarili ko naman ang isipin ko.

Today is October 21, my born day. I don’t like to celebrate sana kasi hindi kami kompleto at wala akong balak mag-celebrate pero knowing my parents kahit hindi ako pumayag maghahanda pa rin sila, kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na lamang.

I’m 21 years old now. Grown up woman and still beautiful. Sa araw-araw na buhay ko, unti-unti kong napagtatanto na sarili ko muna ang aking unahin.

I glow up and fix myself for being a mess and devastated for the past month. Hindi na ako ang dating Alexa na matapang lang pero mas naging fearless pa ako ngayon.

Nasa house kami ngayon kasama ng mga friends ko. Mamayang hapon pa kasi darating sila Tita Ellana. Dinner kasi ang ihahanda pero ang mga friends ko ay nandito na agad dahil wala naman daw silang gagawin sa kanilang mga bahay.

Nandito din si Jared na nakaupo lang sa tabi ng pool area. Linapitan ko naman ito at naupo sa tabi niya.

“ Oy, bakit di ka makihalubilo sa kanila? Hindi ka naman nila kakagatin.”

Umiling at tumingin ito sa akin. “ Happy birthday. Twenty one ka na, bilis mong tumanda.” sambit niya

Binabati ba ako ng gagong ito o iniinsulto ang edad ko? Gago siya!

Inirapan ko siya. “ Iniinsulto mo ba akong tarantado ka?”

Napatawa naman siya sa aking tinanong.

“ Hindi. Tska huwag ka ngang magmura. Kababae mong tao, eh.”

“ Alangan namang hayop ako. May hayop ba na nagmumura?” basag ko sa kaniya.

Napailing-iling na lamang ito sa pambabara ko sa kaniya.

“ Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still the mataray and matapang, may pinagkaibahan na nga lang ngayon kasi mas naging fearless ka pa.” he said

“ Psh. Wala naman nang bago doon.”

“ But your still beautiful even if your fearless now. Trying to cope up into a relationship that I broke is hard. I’m sorry.” he sincerely said while looking at my eyes.

Tumango-tango lamang ako sa kaniyang sinabi. Totoo naman na mahirap mag-cope up sa nasirang relasyon namin ni Daryl dahil sa kaniya.

“ It’s fine. Just bear it a little, magiging okay din ako.” sagot ko

Hindi siya umimik kaya’t natahimik na rin ako. I know iniisip niya ang ginawa niya sa amin ni Daryl. Hindi naman ako masukista para ipilit pa na mayroon pang kami ni Daryl pag-uwi niya. Who knows, pag-uwi niya dito married na siya.

And the thought of seeing him happily married, parang pinapatay ‘yong puso ko. But I will assure him na kapag iyon nga ang nangyari, ibibigay ko ang kalayaan niyang maging masaya kasama ng iba.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay tinawag ako ni Shieraye.

“ Makihalubilo ka sa kanila. Huwag kang matakot. Aalis muna ako, tawag nila ako.” paalam ko sa kaniya.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon