Chapter 27

83 6 0
                                    

" You hurt me, I cried. You said you’re sorry, welcome back!”

“ Things were already different. Sorry sumuko ako.”

**
**

Maagang nagising si Alexa dahil pupunta ito sa site kung saan ipapatayo ang bahay ampunan niya. Bumangon ito sa kaniyang kama at pumasok sa banyo para maligo. After 30 minutes ay lumabas na ito para magbihis.

She wore a highwaisted short and a hanging long sleeve na bumagay sa balingkinitan niyang katawan at pinaresan niya ito ng kaniyang sneakers. Inilugay na lamang niya ang kaniyang mahabang buhok at nagliptint pa.

Bumaba na siya at naabutan niya ang kaniyang parents sa sala.

“ Good morning dad, mom.” sabay halik nito sa pisngi ng kaniyang magulang.

“ Magandang umaga Princess. Pupunta ka na ba sa site? Kumain ka na muna anak.” saad ng nanay niya.

Umiling na lamang siya. “ No mom. Take out na lang ako sa madadaanan ko. Gusto kong makabalik na din ako dito agad.”

“ Papunta na din ang Engineer mo doon. You can meet up with him.” ngising aso ng tatay niya.

Nagtaka man ang mukha ni Alexa ngunit pinabayaan na lamang niya ito. Ngumiti na lamang siya sa kaniyang magulang at nagpaalam na.

Sumakay siya sa kaniyang kotse. Yes! May sarili siyang kotse and she can drive na rin.

Tinahak na din niya ang daan papunta sa site. Hindi gaanong traffic dahil maaga pa naman kaya maluwag ang daloy ng trapiko ngayon.

Binuksan nito ang kaniyang stereo at nakinig sa mga kantang nandoon para hindi siya maburyong.

Sa kabilang dako nama ay nakarating na si Daryl sa site at naka-upo ito sa hood ng kaniyang kotse. Na-check na din niya ang site at masasabing maganda ang lugar. He even made a sketch at design.

Samantala, ang bahay na kaniyang ipinatayo ay kaniya nang nabisita at masasabi ngang kuhang-kuha nito ang design na kaniyang iginuhit. Malaki ang tulong ng propesyonal na inhinyero at arkitekto sa tulong na din ng kaniyang mga magulang.

Tapos na iyon at hinihintay na lamang niya ang babaeng pakakasalan niya para maibigay ang regalong iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Alexa at nagulat siya nang makita ang bulto ng isang lalaki. Naramdaman na din ni Daryl na may parating ngunit hindi na lamang niya ito nilingon.

Bumaba si Alexa sa kaniyang kotse at dahan-dahan lumapit sa nakatalikod na lalaki. Malakas ang kabog ng kaniyang puso habang naglalakad.

“ Who are you?” she asked.

Dahan dahan lumingon ang binata sa kaniya at napamulagat siya ng husto sa nasilayang mukha ng lalaki. Nakangiti ang lalaki sa kaniya samantalang siya ay rumehistro ang gulat, inis at konting lungkot sa kaniyang mukha.

Nang makabawi ang dalaga ay tinaasan niya ng kilay ang lalaking nakangisi ngayon sa kaniyang harapan.

“ Anong ginagawa ng katulad mo dito?”

Hindi nagpatalo ang binata dahil may plano naman ito sa kaniyang utak na kapag nagkita sila ni Alexa ay pagtritripan niya ito.

“ I’m here para makita ang site na pagpapatayuan ng bahay ampunan.” simpleng sagot niya.

Napatawa ng mapakla si Alexa sa tinuran ng lalaki sa kaniya. Parang hindi niya kilala ito.

“ Ah, your the highest paid Engineer from Spain.” puno ng sarkasmo ang boses nito.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon