Chapter 16

97 10 0
                                    

Nagdaan ang mga araw at ngayon ay midterm exam na namin. Naging maayos naman ang araw ko kahit na naiisip ko pa rin si Daryl. Hindi na rin ako masyado sumasama sa aking mga kaibigan. Madalas ako sa library tumambay at dahil doon ang tambayan ko, naaalala ko na naman si Daryl.

Kahit saang sulok ng campus na pupuntahan ko ay mga alaala namin Daryl ang naiisip ko. Kailangan kong magpakatatag kahit nakakalungkot para sa sarili ko at para sa kaniya.

Nasa room na kami ngayon, kasama ko ang mga kaibigan ko. Wala pa ang profesor namin. Nasa sulok lang ako pero nasa harapan ko ang mga kaibigan ko.

" Sis, tama na ang pagrereview, mababaliw ka niyan." saad ni Angel

Inangat ko ang tingin sa kanila. " Mababaliw talaga ako kapag hindi ko pa siya nakita." malungkot kong sabi

Naging malungkot naman ang kanilang mga mukha dahil sa sinabi ko. Hindi naman maipagkakailang hinahanap ko ang presensya niya.

" Mababaliw ka sis sa kakakulit sa iyo ni Jared. Hayaan mo muna si Daryl, give him time and space. Babalik din iyon sa iyo."

Napailing na lang ako. Si Jared na naman ay isiningit nila sa usapan. Tch! Nakakainis ang damuhong iyon. Papansin lang talaga.

" Tch! Panira ng araw ang lalaking iyon. Di pa ako tantanan. Kapal ng pagmumukha niya." inis kong sambit sa kanila.

Napatanga silang lahat sa sinabi ko. Bakit totoo naman ang sinabi ko.

" Easy lang girl, your heart baka maatake ka niyan." natatawang sambit ni Arielle.

" Hoy! Bakit ba siya nasali sa usapan?"

" Hindi pa ba halata sis? Kinukulit ka niya just like the old you and Daryl. Malay mo mahulog ka sa kaniya kaya tinitake advantage niya pagkawal ni Daryl." mahabang litanya ni Shieraye.

Tch! Akala niya mahuhulog ako sa tricks niyang ganoon? Ulol niya sapakin ko pa, eh.

" Kanino ba kayo kampi? Kay Daryl o Jared?" tanong ko sa kanila

Napamulagat sila sa aking tanong o sa may tinitignan sila sa aking likuran? Hindi na sila nakasagot sa aking tanong kaya't nilingon ko ang aking likuran at nakita ko na naman ang peste sa buhay ko.

Nakangisi pa ang tarantado, tangina!

" I heard my name, ako ba pinag-uusapan niyo?" tanong niya, aba! Ang kapal ng mukha niya para lumapit dito.

Tinaasan ko siya ng kilay. " Ikaw ba pinag-uusapan namin? Lumayas ka nga, nakakabadtrip mukha mo! Letse!"

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nagpipigil nang tawa. Tinaasan ko sila isa-isa ng kilay.

" Sa mukhang ito? Nababadtrip ka? Puwes araw-araw mo itong makikita Gabrielle." he smirked

Hayop talaga! Ang epal niya swear, mula noong umalis si Daryl dito ay lagi na akong pinipeste. Tarantadong gago!

" May naririnig kayo guys na nagsasalita? Baka may naapakan kayo, pakicheck naman baka dwende, eh." pamimilosopo ko sa aking mga kaibigan.

Nagsitanguan naman sila at tinignan kung may naapakan sila. Napatawa naman ang gago sa aking likuran.

" Baka gusto mong ikaw ang hindi ko pagsalitain Gabrielle." he wore a loop sided grin.

I look at him and smirk. " Kaya mo? Baka bigwasan ko ang mukha mo. Lumayas ka na sa harapan ko."

Kinabig niya ang mukha ko at tinitigan sa mata. Nagpupumilit akong ilayo ang mukha ko sa kaniya dahil isang dangkal na lang ang layo.

Narinig kong natatawa ang aking mga kaibigan, kaya paniguradong namumula ang pisngi ko.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon