The author is crying out loud guys😭
Alexa's POV
Biyernes ngayon, sinundo ako ni Daryl sa bahay as a peace offering daw niya sa mga araw na hindi niya ako nasundo. Nagkaayos na kami kahapon at humingi siya sa akin ng dispensa sa pag-ignora niya sa akin.
Habang binabaybay namin ang daan papunta sa eskwelahan ay panay ang kaniyang sorry. Sinabi ko na nga sa kaniya na naiintindihan ako at ayos na iyon sa akin. Pero, makulit talaga ang hinayupak.
" Sorry talaga babe, hindi ko sinasadya." sumamo niya habang nagdradrive
" Ano magagawa ng sorry mo, tapos na Daryl. It's okay, really." sabi ko sa kaniya
"---but" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
" Kapag hindi ka pa tumigil sa kaka-sorry mo, bababa ako ng sasakyan mo." banta ko sa kaniya.
Napasimangot na lamang siya sa aking sinabi at hindi na muling umimik pa.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ito. " Saan kayo magkikita bukas?"
Hindi ko na kailangan btukuyin kung sino ang sinasabi niya dahil panigurado na si Jared lang iyon.
" Sa park siguro babe, hindi ba sasama ka sa akin?" tanong ko
" Hmm, maaga ako bukas na pupunta sa inyo para sunduin ka." saad niya
Hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko maski sa endearment niya sa akin. Are we really okay Daryl? Tanong niya sa kaniyang isipan.
" Eight in the morning na lang siguro kami magkita. I'll tell him na kasama ka."
Tumango-tango na lamang siya sa aking sinabi. Alam ko na may bahid pa rin ng pagseselos ang kaniyang isipan. Hindi na ako umimik sapagkat ipinikit ko na lamang ang aking mata at hindi ko na namalayan ang oras.
Naalimpungatan ako nang may humahalik sa aking noo, pisngi at sa aking labi.
" Nasa school na tayo amazona ko. Wake up already." sabi ni Daryl
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Napa-ayos ako ng pwesto dahil nahiya ako sa titig ni Daryl.
" Ang cute talaga ng babae ko." he said na nakangiti.
" Tse! Hindi ako cute, maganda ako." giit ko
" Mag-ayos ka na ihahatid pa kita sa building niyo. Nauna na rin daw pumasok ang mga kaibigan mo." pagpapaalala niya.
Nag-ayos na ako at binuksan ang pinto ng kotse niya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako dahil nakakahiya naman sa kaniya. Lumapit siya sa akin at binuhat ang bag ko at hinawakan ang aking kamay.
Lihim akong napangiti sa inasal niya. Hindi man kami katulad nang dati, masaya pa rin ako na pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako.
Naglakad na kami papunta sa building ko. Tahimik lamang kami at pasulyap-sulyap ako sa kaniya na diretso lang ang tingin.
Ang mga pilik mata niya na mahahaba, ang kaniyang ilong na hindi masyadong pango sakto lang, ang kaniyang labi na mapupula, hes literally handsome!
" Done checking me babe?" ayan na naman ang kaniyang mapanlokong ngiti.
" Yeah, done checking you. Tinignan ko lang kung may kulang." sagot ko
Napatingin siya sa akin na parang nagtatanong. " Anong kulang babe?"
Tinaasan ko siya ng kilay. " Wala naman kulang, buo pa siya babe."
Napangiti na lamang siya sa sinabi ko at nagdiretso na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...