Daryl’s POV
I was shocked yesterday because of the sudden visit of Alexa. Nag-away pa kami dahil sa plano ko kahapon. Pero alam kong iyon ang magiging simula naming dalawa. Sa pagsisimula ng bagong pag-iibigan at pagmamahalan namin.
Hinatid ko siya kahapon sa bahay nila pero hindi na kami nakapag-usap. Sinabi ko na lang sa kaniya na dadalawin ko siya bukas ng maaga. Umuwi din ako agad dahil kailangan kong tapusin ang draft na nasimulan ko kanina.
I just texted her when I was at home. Nagreply naman ito kaya mas minabuti ko na lang na tawagan siya kinagabihan. We talked for almost two hours and I’m happy that she answered all the questions I asked to her.
I will court her no matter what just to prove my love for her at sisimulan ko iyon ngayong umaga. Umalis na ako sa bahay dahil bibisitahin ko ang amazona sa kanila.
Habang binabaybay ko ang daan papunta sa kanila ay dumaan muna ako ng bulaklak para ibigay sa kaniya. Ang paborito niyang bulaklak----tulips. Bumili na rin ako nang snacks sa isang convenience store malapit at nagdrive ulit papunta sa kanila.
Hindi ko ininda ang kaba dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko ulit siyang pasaguting nang matatamis na oo. I love her that’s why I’m courting her. Malapit na ako sa kanila at mas lalong nagwala ang puso ko. Tumigil muna ako sa tabi, one block away from there house and get my phone to my pocket to message her.
[ Hey, babe. Good morning, I’m here at your village.]
Pinindot ko ang send button at hindi na hinintay ang reply niya dahil malamang tulog pa ito at alas syete pa lang naman ng umaga. Nagdrive na ako hanggang sa makarating ako sa harap nang bahay nila.
Binuhat ko ang mga pinamili ko at nag-doorbell muna. Ilang minuto lang ang lumipas at pinagbuksan ako na ako ng katulong nila. “ Pasok kayo, sir. Tulog pa po si senorita.” imporma nito sa akin.
“ Sige salamat. Nandiyan pa sila Tito?” tanong ko nang makapasok ako.
“ Opo sir. Nasa dining table na po sila.”
Tumango lang ako sa kaniya at pumasok na loob ng bahay. Nagdiretso ako sa dining para ilapag ang mga binili ko. Sakto at nandoon sila Tito at Tita na masayang nag-aagahan.
“ Good morning Tito, Tita.” magalang kong bati at nagmano sa kanila.
“ Oh? Dami naman niyan pinamili mo, son. Para kanino ba iyan?” tanong ni Tita.
Son…. I was like a fucking woman who blush because of that word. Tinuring na talaga akong anak ni tito.
“ Siyempre alam niyo mo na hon kung para kanino. Tignan mo ang mukha ni Daryl, pulang-pula.” napatawa silang dalawa kaya mas lalo naman na namula ang mukha ko.
“ Tita talaga. Tulog pa ba ang amazona ko?” tanong ko.
“ Akyatin mo na lang pero huwag mong gapangin ang anak ko Daryl. Masasapak talaga kita.” sabi ni tito.
I don’t think of gapangin si Alexa. I’m here to court her. Nagpaalam na ako kay Tito at Tita at umakyat sa kwarto ng amazona ko. Tutal wala naman nagbago at kabisado ko pa rin ang pasikot-sikot sa kanila. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at dahan dahan din iyon isinara dahil ayaw kong gisingin si Alexa.
Naglakad ako patungo sa kama niya at naupo doon. Inilapag ko ang bulaklak sa kaniyang bedside table kung nasaan ang cellphone niya. Inilibot ko ang tingin sa kwarto niya at malinis pa rin lahat at naka-arrange pa rin ang mga regalong naibigay ko sa kaniya.
Suddenly, my gaze went to her. She’s sleeping peacefully. I tried to reach out her hair at hinawi iyon sa kaniyang mukha. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya at pinagmasdan siya as I stroke her long hair. Hindi niya pa rin pinapagupitan hanggang ngayon. She’s really pretty, no wonder falling for her is not a mistake.
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...