Epilogue

189 7 0
                                    

2 months later....

Daryl's POV

Isa lang siyang transferee na nakabangga sa akin noon. Naging ka-kompetensya ko sa lahat ng bagay. Isang kaaway ang turingan naming dalawa pero tadhana nga naman ang nag-udyok sa amin na magkaayos at magmahalan.

Hindi siya pangkaraniwang babae na nakilala ko sa araw na iyon. Mahinhin, maganda pero matapang. Akala ko laro lang sa una ang ginagawa kong pang-iinis sa kaniya pero unti-unti akong nahuhulog sa kaniya sa bawat araw na masilayan ko ang naiinis at naasar niyang mukha sa akin. Hindi ko lubos akalain na ang dating magkalaban at magkaaway ay nagmamahalan at ikakasal.

" Pre, huwag ka nang kabahan diyan. Malapit na raw sila." pagpapakalma sa akin ni Angelo.

Oo tama kayo, narito kami sa simbahan ngayon dahil ito ang araw ng aming kasal ni Alexa. Ako ay kinakabahan ngunit nasasabik na akong makita ang maganda niyang mukha.

Tumingin ako kay Angelo na ngayon ay nasa aking tabi dahil siya ang bestman ko. " Alam ko. Excited lang akong makita ang magiging asawa ko, bugok."

Bakit ko ba kinuhang bestman ang mokong na ito?  Hayssss!

" Sigurado ka ba na magpapasakal---este magpapakasal, dude?" natatawang tanong ni Kurt.

Napangisi na lamang ako dahil sa kalokohan ng mga gung-gong kong kaibigan. " Oo naman. Sigurado na akong magpakasal sa kaniya. Hindi ko na aatrasan dahil ilang taon na rin ang nasayang sa aming dalawa."

" Jusmiyo marimar! Goodluck na lang sa amazona mong asawa dude!" sabi ni Dwayne na tumapik sa balikat ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit sa amin ang nag-ayos ng wedding namin. " Sir, dumating na ang bride. Magready na po kayo." saad nito.

Tumango na lamang ako at tinapik ako nang mga kaibigan ko bago umalis sa tabi ko.

Nagsimula na ang paglalakad magmula sa mga sponsors, bridesmaid and groomsmaid hanggang sa dumako muli ang tingin ko sa pagbubukas ng pinto ng simbahan at doon ko nasaksihan ang pinakamagandang amazona sa balat ng lupa. She's perfectly beautiful in white. My oh so gorgeous wife.

A tear escape from my eyes habang nakatitig ako sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad kasama ang kaniyang magulang. She's smiling habang nakatitig siya sa akin na wari ay ako lang ang kaniyang nakikita.

Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong tama para ipagkaloob sa akin ang magandang dilag na naglalakad sa gitna ngayon papunta sa altar kasama ko. Pero masaya ako, masayang masaya dahil siya ngayon ang pakakasalan ko at ang magiging ina ng mga anak ko.

Tinapik ni Daddy ang balikat ko. " Its okay, Son. You will marry the love of your life now."

" Thanks, Dad."

" Just cherish her forever. Kahit ano ang mangyari o problemang dumating sa inyo, pag-usapan niyo nang mabuti." wika ni dad.

Tumango ako at niyakap naman ako ni Mommy. I hug her tight also and give thanks to her.

" Mahalin mo ang asawa mo anak at mamahalin ka rin niya nang lubos.  Communication, trust and love will be your key to your journey as husband and wife." pangaral ni mommy.

Nakalapit na sila sa aking harapan at nakita kong may namumuong luha ss kaniyang mga mata kaya't inabot ko ang kaniyang pisngi para punasan iyon.

" I will hand to you my daughter, Son. Don't make her cry." wika ni Tito.

Niyakap ako ni tita na magiging Mommy ko na din ngayon. " Ingatan mo ang only princess ko, Daryl. Congratulations to you both." saad  niya.

" I will, Mom." saad kong habang nakangiti.

Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon