Masaktan kayo😍😍😍
Sabado na ngayon at binabaybay ko na ang daan papunta sa bahay nila Alexa. Nang maihatid ko siya kahapon ay hindi na ako nag-alinlangan pa na itext o tawagan siya. Hindi naman na din siya nagtext o tumawag dahil alam kong iniintindi niya ako. I know nagiging jerk ako kapag siya ang pinag-uusapan, ayaw ko lang naman kasi na nilalapitan siya ng lalaking iyon. Nagseselos ako tangina!
Pasado alas sais palang ay nasa subdivision na nila ako. Nakatanggap ako ng textmula sa kaniya pero hindi na ako nagreply pa. Pumarada na lamang ako sa tabi ng bahay nilla at bumaba sa kotse para magdoorbell.
Pinagbuksan naman ako ng gate ni Alexa. “ Good morning babe, pasok ka na muna.” mariing sambit niya.
Napansin kong namumugto ang kaniyang mga mata pero parang tinago lang iyon ng make-up niya. Hindi naman makapal pero light lang naman. Nainis ako sa sarili ko pero hindi ko na lang pinansin ang namumugto niyang mata at hindi na nagtanong pa.
“ Magandang umaga din babe.” ngumiti ako ng pilit sa kaniya.
Pumasok na kami at nagdiretso sa kanilang dining area. Nandoon na din ang kaniyang magulang na masaganang kumakain.
“ Hello tita, hello tito..” bati ko at nagmano sa kanila.
Ngumiti sila sa akin. “ Magandang umaga din hijo. Maaga ka ngayon, may lakad kayo?” tanong ni tito sa akin
“ Meron po tito. Sasamahan ko lang itong prinsesa niyo sa proyekto niya.” paliwanag ko
“ Oh. Hindi ba may kapareha ka Alexa? Bakit kasama pa ang nobyo mo?” pagtataka ni tita.
Dami pang tanong haysss! ‘Tita ayokong masolo siya ng hinayupak na iyon!’ gustong gusto kong sabihin pero ang rude ko naman kung ganoon.
“ Opo mom. Ayoko kasing mahiwalay sa kaniya tska, hindi ako sanay na hindi siya kasama.” sagot ni AlexaI smiled at the back of my head. Medyo nawala ang inis ko dahil sa sinabi niya. Ayos na iyong kasama niya ako kaysa ang mapag-isa kasama ng bugok na iyon. No way!
“ Ah. Okay. Is he a boy?” tanong ulit ni tita.
Napatingin kaming pareho sa kaniya. “ Y-Yes po mom.”
“ Naku, kung alam niyo lang tita, tito that man is a jerk.” sabi ko naman.
Wala akong pakealam kung ano ang sabihin ni Alexa sa akin. Tama naman ako.
Napamulagat naman ang magulang niya sa aking sinabi. “ What? Omg! Tama lang na samahan mo ang princess namin Daryl. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.” wika ng kaniyang ina.
“ Ayaw ko nga sana mom na maging kapartner iyon, wala naman na po akong nagawa kahit nagreklamo ako sa prof namin.” saad ni Alexa
Ilang minuto pa ang lumipas ay kumain na lamang kami nang tahimik. Habang kumakain ay biglang may nagdoorbell. Wala naman bisita si Alexa, kaya sino naman ito kung ganoon?
“ May bisita ka ba anak?” takang tanong ng tatay ni Alexa.
Umiling-iling naman siya. “ Wala dad, baka kayo ang may bisita.” sagot niya
“ Pagbuksan mo na anak, masira pa doorbell natin.” utos ng ina
Sasama ako kung ganoon! Baka mamaya ibang tao at matangay pa ang nobya ko. Puta! Ikakamatay ko!
“ Sasama ako tito, baka may loko diyan sa tabi- tabi.” sabat ko
Tumayo na kami ni Alexa at magkahawak kamay na pumunta sa gate para buksan ito.
Nanlaki ang aming mata nang mapagtantong si Agoncillo ang nandito. What the actual fuck? Anong ginagawa ng gagong ito dito? Paano niya nalaman ang bahay nila Alexa? Stalker ba siya?
BINABASA MO ANG
Papansin Noon, Asawa Ko Ngayon (ATPT 2) Completed
Teen FictionAlexa and Daryl are both college student now. How do they handle their relationship if many struggles is coming up on their way? Do they lived happily ever after? Highest rank: #552-teenfiction #237- poetry #237-comedy-romance #109-poetry #62-poetry...