PROLOGUE

431 93 79
                                    

"Next... calling the attention of Ms. Madieson Itzayana?"

Napalingon ako sa nagsalita na boses babae, nakasuot siya ng red and black na polo at palda na pencil cut na black, siguro ay uniporme nila ang polo dahil ang ibang naglalakad ay ganoon din ang suot. Tumayo ako at saktong nagtama ang mata namin. Tinanguan niya lang ako senyales na ako na ang susunod.

Naglakad na ako papunta sa kanya at iginaya niya ako papasok ng conference. Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko para makasagot ako ng maayos sa interview.

"So... you are Ms. Madieson Itzayana?" tanong ng isang lalaki na nasa gitna ng table na kaharap ko. Sa tingin ko ay nasa 30's na siya.

"Obviously sir," nakangiting sagot ko at tumango. Sinikap na hindi maging sarkastiko.

Nakita kong napataas ang kilay ng isang babaeng nasa gilid niya na siguro ay ka-edad din niya. Habang ang nasa kaliwa naman na lalaki na halatang bata pa ay napangisi.

"Okay... so, tell me about yourself." sabi niya ulit.

"I am rude... sometimes... ah no, most of the times."

"I mean about your job."

"I don't have a job sir."

"Even recently?"

"Why would I apply here if I do have a job?"

"Excuse me?" singit ng babae na nakakunot na ang noo. "You may now go out." mataray na utos niya.

"Why would I? You're not my boss duh," sagot ko sa kanya.

"What?!" naiinis na sigaw niya.

"Hahaha this is interesting, what now Ms. Madieson, you're the daughter of Mr. Kang-Itzayana right?"

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ng isang lalaki na ngumisi sa akin kanina. Tumango nalang ako bilang sagot. Napabuntong hininga naman ang lalaki sa gitna at ang babaeng nagpapalabas sa akin, marahil ay kilala nila ang mga magulang ko.

"Then, why are you applying here?" tanong ng babae.

"Because I want to work. Satisfied?" sagot ko pero nanatili lang na magkasalubong ang mga kilay niya.

"Ahhh really? But I don't like you and we don't want your attitude for this job." 

"The feeling is mutual, then. I think you don't know me enough?" taas kilay kong tanong na lalo niyang ipinagtaka.

Sasagot pa sana siya nang pigilan siya ng lalaking nasa gitna at sinenyasan na manahimik na lang. Nginitian ko siya na ikinakibot ng labi niya. Gusto kong matawa dahil sa itsura niyang hindi na maipinta.

"Why should we hire you?" tanong ng lalaking nasa gilid.

"I want this job... very much."

"What can you bring to the company?"

"I don't know, I haven't been in a company like this yet. What about you? What do you think, what can I bring here?

"Respect us, young lady." singit na naman ng babae. Inirapan ko lang siya at sakto namang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na may nag text sa akin at nasisigurado ko na kung kanino galing 'yon. Napatingin ako sa relos ko at nakita na malapit na ang oras.

Tumayo ako na lalo nilang ipinagtaka. Gusto kong matawa sa mga itsura ng mga mukha nila pero pinigilan ko.

"So, if I'm hired... call me, later." kumaway ako at tumalikod. 

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon