CHAPTER 02

239 74 37
                                    

"Leonardo da Vinci said, Painting is poetry that is seen rather than felt, and poetry is painting that is felt rather than seen. So now, I want you to paint your true feelings, true emotions, and express yourself. This is a self honesty everyone."

Nakatulala lang ako sa hawak kong brush at sa canvas na blanko. Anong ipipinta ko? Iyan ang tanging tumatakbo sa isipan ko. Bakit ba pakiramdam ko ay para sa akin ang mga sinasabi ng Prof namin? Assuming na ba ako? O talagang para sa akin lahat ng yon?

True feelings... true emotions... self honesty. What should I do?

Pinagmasdan ko isa isa ang mga kasama ko at tila ako lang ang hindi masaya sa sinabi ng Prof. Lahat sila nakangiti, seryoso, masiglang nagpipinta. Tumingin ako sa katabi ko kagaya ng iba ay ganoon din ang emosyon niya, natutuwa. Bakit nga ba hindi ako natutuwa kagaya nila?

Ilang sandali pa ay napagdesisyonan kong magtaas ng kamay na agad naman nitong nakita, dahil nag iikot ikot siya sa harap.

"Yes?"

"Excuse me sir, may I go out?"

"Of course, take your time."

Dumiretso ako sa comfort room at humarap sa salamin nito. Ang mga matang hindi marunong mag-sinungaling ang pinaka-ayoko sa mukha ko. Ang mga matang kahit kailan ay hindi sumang ayon sa nilalabas ng bibig ko.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng mukha ko. Habang ang tubig ay dumadampi sa pisngi ko ay isang scenario na naman ang sumagi sa isip ko.

Yung lalaki na nakatayo sa harap ng portrait!

"Madieson..."

Napamulat ako ng tawagin na naman niya ang pangalan ko!

Napailing ako at dahang dahan pinunasan ang mukha ko ng scarf na dala ko. Ano 'yon? Bakit niya tinatawag ang pangalan ko? Sino ba siya? Bakit hindi ko makita ang mukha niya?

"What the hell was that?" nakakunot kong tanong sa sarili ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Lutang akong bumalik sa classroom at wala sa sariling nagpinta. Natapos ulit ang dalawang oras at namalayan ko nalang kung ano na naman ang ipinipinta ko. Tila may sariling utak ang mga kamay ko at mag isa yung kumilos para mabuo ang artwork na nasa harap ko.

Nakapinta ang sarili ko naka harap sa salamin at nakasuot ng maliit na korona, nakadamit pangkasal at nakatingin sa kawalan...

Ano bang nangyayari sa akin?

Maganda man sa paningin ng iba dahil namangha sila sa nakita pero ako ay nagtataka pa rin. Bakit kapag lutang ang isip ko ay magaganda at makakahulugang artwork ang nagagawa ng mga kamay na 'to?

True feelings...true emotions...self honesty...so this is me?

"Wow...madie! Ang ganda!" ang matinis niyang boses ang nakapag balik sa akin sa wisyo. Hindi ko na naman namalayan na nasa tabi ko na siya. "Anong pamagat?" tanong niya.

Ako, 'yung piraso ng katauhan kong kahit kailan ay hindi na mababalik pa.

"Wow! You're so gorgeous, Madie!" the designer that my mom chose for me. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa  mirror wall na nasa harapan ko.

It's just a simple white lace gown in a mermaid silhouette style. Fit ito sa akin at makikita ang shape ng katawan ko.

"Your future husband will... ah basta! Maiinlove siya sa'yo ulit kapag nagkita na kayo sa aisle." pagbibiro pa nito habang magkatitigan kami sa salamin. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang natawa.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon