CHAPTER 29

65 8 13
                                        

Sa paglingon ko ay daan ang bumungad sa akin at nakatayo ako sa gitna ng kalsada. Ano 'to? Nasaan ako? Tinignan ko ang paligid ko.

2010...

Natulala ako sa nakita kong karatula na 'iyon ang nakasulat. What the hell is this? Bakit 2010? Unti-unti kong binaba ang tingin ko sa suot ko.

Colegio de San Juan de Letran...

Ito ang uniporme ko...noong college ako. Isang malakas na busina ang nakapag-paangat ng tingin ko.

Bakit ako nandito?

Papalapit na ng papalapit ang truck sa akin pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Ito ang gabi kung kailan ko nakilala si Eithan...

Imbis na umalis ay tinalikuran ko ang truck dahil alam kong dadating si Eithan para iligtas ako sa gabing 'to.

Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko na ang patakbong imahe sa di kalayuan. Si Eithan na suot ang hoodie niya na kulay pula ay natanaw ko na.

Hinayaan ko lang ang sarili ko na panoorin siyang tumakbo papalapit sa akin. Kagaya ng inaasahan ay iniligtas niya din ako dito.

Ang kaibahan lang ay hindi ko nakita ang mukha niya noon dahil kinain ako ng takot at kaba kaya nawalan ako ng malay noon at nawalan ako ng pagkakataon na makita ang mukha niya.

Pero ngayon ay malaya kong nagagawa ang gusto ko. "Eithan..." tawag ko sa kaniya sabay tanggal ng hoodie niya.

Nagtagpo ang mga mata namin ngayong gabi na 'to at nasilayan ko ang mukha niya pero bakit...

"Eithan?" tawag ko ulit pero hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa akin. Nangunot na ang noo ko ng pagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya.

Totoo ba 'to? O nagha-hallucinate lang ako? Panaginip lang ba 'to?

Hindi ko maintindihan pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ko magawang bumitaw sa titigan naming dalawa. Ang pamilyar na kilay...mata...ilong at labi niya...

"H-hindi ka si Eithan..." muli niya lang itinakip sa mukha niya ang hoodie at tumayo.

Naiwan akong tulala at nawalan na ng lakas na habulin siya ng sandaling iwanan niya na ako...kagaya ng inaasahan.

Hindi si Eithan ang nagligtas sa akin ng gabing 'yon...hindi niya mukha 'yon. Hindi siya ang kaninang nakita ko...

Bago pa ako makatayo ay para akong hinatak dahil pakiramdam ko ay bigla akong bumagsak kahit na nakaupo na ako sa kalsada.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na naririnig ko. Bumungad sa akin ang kanina lang na nakita ko. Nakita ko siya na nakatingin sa akin mula sa salamin na pagitan namin suot niya ang eksaktong hoodie na nakita ko kanina.

Muli kong pinakatitigan ang mukha niya. Kusa na lang pumatak ang luha ko ng makumpirma ko na siya ang nagligtas sa akin ng gabing 'yon.

Si Matthew...ang taong minahal ko. It was him right from the start...

Napangiti ako kahit nakikita ko siyang umiiyak sa labas. Hindi ko inakala na mali pala ang taong nahanap ko. Sa'yo pala dapat napunta ang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa maling tao.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon