"Miss Itzayana?"
Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Matthew na nagpakilalang director sa akin kanina lang.
"Ha?" natawa siya pero nanatiling nakakunot ang noo ko. Wala sa sariling inabot ko ang kamay ko sa kaniya.
"Omayghad," napalingon ako sa kanila ng sabay sabay silang magsalita.
"Direk, marunong kayong tumawa?" halata kay Stephanie ang gulat sa ekspresyon palang ng mukha niya. Ganoon din si Christian at ang isa pang hindi ko nakilala.
"Of course, I'm still a human, Miss Ykar." naka-ngiting sabi niya pero hindi nagbago ang mukha ng mga kasama ko.
Natapos ang meeting ng wala akong naintindihan kahit isa. Sa palagay ko ay distracted ako sa presensya niya, ngayon pa lang. Paano pa kaya kapag araw araw ko na siyang kasama dito?
"Alam niyo masama talaga ang pakiramdam ko dito." napalingon ako kay Stephanie ng makapasok na kami sa office namin. "Nakita niyo ba 'yong ngiti niya kanina at tsaka 'yong tawa niya? Grabe..." hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala.
Syempre, dahil curious ako. Paiiralin ko muna ang pagka-chismosa ko ng kaunti.
"Bakit? Ngayon niya lang ba ginawa 'yon?" tanong ko at sabay sabay pa silang tumango tango sa akin. Nangunot ang noo ko. Eh?
"Hindi kaya..." pinaningkitan ako ng mata ni Stephanie at tinignan mula ulo hanggang paa. "Nako, gurl. Mag ingat ka, tutulungan ka namin kami ng bahala sa'yo." tumango naman ang dalawa sa kaniya. Bahala sa akin? Ha?
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"Ganito kase 'yan, si Director Han kasi first time lang namin siyang nakitang ngumiti at tumawa kanina! As in! Ang creepy hindi ba?"
"Oo, sobra."
"Tss." naupo ang isang babaeng hindi ko pa rin kilala at hindi na nakisali sa usapan namin.
"Bakit naman?"
"Makinig ka ha? Ganito 'yan, alam mo kase---"
"Pwede bang diretsahin mo nalang kanina ka pa puro ganito 'yan," naiinip na putol ko sa kaniya.
"Ay taray. Anyway ganito kasi--"
"Kasi kapag ginawa niya 'yon. It's either may kasalanan kang nagawa or may ipagagawa siya sayong ikababaliw mo hanggang sa sumabog ang utak mo. Tapos sisirain niya sa harap mo lahat ng proposal na ginawa mo. Tapos---"
"Working hours hindi ba?" natigilan ang babaeng akala ko ay hindi na magsasalita sa biglang pagpasok si Matthew sa office namin. "Miss Itzayana, come with me," sinenyasan niya pa ako gamit ang daliri niya. Istorbo naman 'to, nakikipag-kwentuhan pa ako eh.
Hindi niya na ako hinintay sa pintuan at naunang lumabas, lumingon ako sa mga kasama ko. Sabay sabay silang napaturo sa leeg nila at animoy senyas ng 'lagot ka na'. Natawa nalang ako sa kanila. Grabe naman pala maging director ang isang 'to?
Nagulat ako ng batakin niya ako papasok ng office niya. "Kailan ka pa naging director at...paano?" nagtataka ko pa ding tanong sa kaniya.
"Hindi ba pwedeng nagtrabaho lang din?" nagdalawang isip pa ako kung paniniwalaan ko ang sinasabi niya dahil wala talaga sa istura niya at lalo na sa pagkakakilala ko sa kaniya na magiging director siya ng art gallery. "Fine. Si Mr. Frio ang dahilan kung bakit ako nandito. I work here while I'm waiting for you...to come back."
Tumango nalang ako at hindi na nagtanong. The fact that he is Lizelle's father explain everything. "You're not thinking anything, aren't you?" agad akong ngumiti at umiling sa kaniya. "Are you free tonight?"

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasiMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...