"Happy birthday, Madie..." nakangiting bati sa akin ni Tristan
"Psh, nasan 'yong regalo ko?" pabirong tanong ko. Nagulat ako ng humakbang pa siya papalapit at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Ako..." nakangiti, at mahina niyang sabi. Hindi ako gumanti ng ngiti dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay kakaiba. Nang mapansin niyang hindi ako nag react ay dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko. "Haha! Ayaw mo ba? Galing pa kaya ng Pilipinas 'yong regalo mo," ngumiti nalang ako sa kanya sabay thumbs up.
Nagtaka ako ng umalis sya saglit at ngayon naman ay may dala siyang bike.
"Tara?" yaya nya pa. Hindi ako gumalaw at tinitigan ang hawak nyang bike.
"Seriously? Pumunta ka dito para yayain akong mag bike?"
"Ayaw mo bang subukan?"
"Bakit isa lang?"
"Kasi sabi ko. Mas masarap kaya mag bike pag may kasama." pangungumbinsi nya pa.
"Ayoko," pagtanggi ko. "Hindi naman ako marunong." nakasimangot na sabi ko.
"Kaya nga ko nandito diba?" ayoko sanang bigyan ng meaning lahat ng sinasabi nya pero 'yon ang dating sa akin."Kasama mo ko, Madie. Hindi naman kita ipapahamak. Tara na?" nilahad nya ang isa nyang kamay sa akin habang hawak nya pa rin sa kabilang kamay nya ang bike.
Nakatitig lang ako sa kamay nyang nakalahad, nagdadalawang-isip kung aabutin ko ba 'yon.
"..Bakit hindi ka nalang doon sa siguradong panalo ka na? Bakit hindi mo nalang pagbigyan yung taong hindi nagsawang makinig sa mga kwento mo?"
"Madie?" napatingin ako sa kanya. Kung kaya ko lang lokohin ang sarili ko, kung kaya ko lang turuan ang puso ko kung kanino sya titibok... ikaw nalang pipiliin ko. Ngumiti ako at inabot ang kamay nya. Ang taong nanatili sa tabi ko kahit itaboy ko. Ang taong hindi sumuko sa paghatak sa akin kapag lumalayo ako.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko nang mapadpad kami sa Ponte Pietra sa Verona. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kusa akong napangiti sa ganda ng tanawing nakikita ko. Sa loob ng matagal na panahon na nandito ako sa Italy ay ngayon lang ako napunta dito.
"Dahil mas magandang pagmasdan ang view pag may kasama?" nakangiting sagot nya. Lumapit sya sa kinatatayuan ko at may nilabas na maliit na box mula sa bulsa nya.
Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako sa bawat hakbang nya. Kinuha ko ito ng iabot nya. Nang buksan ko ito ay paint palette necklace ang nakita ko.
"Namiss ko lang yung Madie na minsang nangarap maging artist." kinuha nya ang box sa akin at inalis ang kwintas doon. Hindi ako makagalaw ng lalo syang lumapit at isinuot ang kwintas sa akin. Pigil ko ang hininga ko at napatitig ako sa mukha nyang sobrang lapit."When the whole world is doubting you, I'll be your number one supporter, Madie." napakurap ako ng salubungin nya na ang tingin ko.
"Tara, tuturuan kitang mag-bike." yaya nya sa akin, hindi pa man ako pumapayag ay hinila nya na ako. Mabilis ko naman itong natutunan kahit ngayon ko lang sinubukan.
Sabi nga nila hindi mo malalaman na hindi mo kaya ang isang bagay kung hindi mo pa naman nasusubukan.
"Madie..."

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasiaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...