CHAPTER 19

80 15 0
                                        

A/N: I deleted and replaced a scene here. Enjoy reading;)

Pilit ko pa ding inaalala ang boses na 'yon. Lumingon ako sa pinuntahan niya pero wala na siya doon. Umikot pa ako para tignan kung saan siya pumunta pero masyadong madaming tao kaya hindi ko na ito makita.

"Fine... hey miss!" kumaway pa 'yon sa akin. "I'm letting you go."

Aiden?

Agad na akong kinabahan ng maalala ko kung kanino boses 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali! Tumakbo ako sa nilakaran niya, sinikap kong siyang hanapin sa kabila ng madaming tao.

"Excuse me!" sigaw ko dahil siksikan palabas. Kunot noo kong pinagmasdan ang narating ko kakahanap sa kanya pero kahit isang bakas niya ay wala na akong nakita.

Bumalik nalang ako kung saan ko nakitang nag aabang sila Dad kanina.

"Madie!" bungad agad ni Arley at yumakap na sa akin.

Sabay sabay na kaming umuwi sa naipundar ko na condo, malapit sa bahay nila Arley ang lugar na pinili ko.

"Wala ka pa palang masyadong gamit dito Madie. Gusto mo bang magpasama sa Mommy mo na bumili?" sugestiyon ni Dad habang kumakain kami.

"I'm free, today." agad na dagdag ni Mom. Ngumiti siya ng tipid sa akin. Magmula ng umalis ako ay kahit papano, pa-unti unti ay bumabalik na ang loob sa akin ni Mom. Masaya na ako na kahit papano ay nagkakasundo na kami magmula ng gabing pinuntahan niya ako.

That night, I finally felt her warm hugs, I finally felt her warm arms wrapping around me. I finally felt the comfort that I am craving for so long.

Pagkatapos namin mamili ni Mom ay pinaghanda ko muna siya ng meryenda. Dala ang tray na may lamang juice na binili namin kanina at sandwich na ginawa ko, lumapit ako sa kanya at nilagay yon sa table.

"What are your plans now?" tanong nya sabay kuha ng sandwich.

"I'm going to find a job, of course. Ayoko namang masayang ang experience ko sa Italy, and... don't bother to convince me na pumasok sa company niyo, Mom."

"I won't." natatawang sabi nito. Nagtaka ako sa kanya kaya napatitig ako sa mukha niyang nakangiti na para bang nakarinig ng nakakatuwang biro. "Because, I'm a head director now."

Head director?

"I'm thankful to you, Madie." hinawakan nya ang kamay ko na ikinabigla ko. "I will let you work at the gallery if... you will pass the interview, got it? Ayokong isipin nila na kaya ka lang nakapasok dahil sa akin." hinaplos niya din ang pisngi ko na naging dahilan ng pangingilid ng luha ko. "I'm proud of you..." mahina, emosyonal nyang sabi sabay punas ng luha kong bumagsak na. Finally... "Keep it up, okay?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya sa sobrang tuwa ko.

Wala ng mas hihigit pa sa salitang galing sa kanya. It was like an impossible compliment from you highly admire. Para akong nakatanggap ng compliment sa isang artista.

Pakiramdam ko ay nakawala na ako sa isang matagal na panahon na pagkakakulong. Matagal ko ng gustong marinig ang mga salitang 'yon mula sa kanya and finally narinig ko na.

I am successful...I made my mom proud of me. And that's my victory.

It was my goal back then. Thinking that I achieved it just now...I just feel happy but still empty.

Sa isang iglap ay siya na naman ang naiisip ko. Ang mga salita niyang hanggang ngayon ay nakatatak sa akin. Iyong pakiramdam na wala ka ng dahilan para matuwa sa bagay na dati mong pinangarap na marating. It's just the feeling of victory and defeat at the same time.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon