CHAPTER 03

199 71 30
                                    

"What's that?" nagtatakang tanong din ni Mom.

Hindi ko siya sinagot at dali daling binuksan ang TV. Sinalang ko agad ang CD sa player. Nanginginig man at natatakot ay nagawa kong isalang yon. Habang nagbubukas ang TV ay binasa ko ang nakasulat sa plastic na pinagbalutan ng CD kanina.

There is nothing more truly artistic than to love a girl like you, Madieson. 

Iyan ang nakasulat at may pangalan niya sa baba. Nakatayo kong pinindot ang remote ng TV para magplay ito.

Maging si Mom na kanina lang ay galit na galit ay napuno ng pagtataka at tahimik na naghihintay. Walang naglakas loob na nagsalita sa amin habang hinihintay ito na magbukas.

Hanggang sa nagliwanag ito at dahil nanginginig ang kamay ko sa pagpindot ng remote ay hindi ko magawa ng maayos. Nagulat pa ako ng kinuha 'yon sa akin ni Mom at siya na ang nag ayos.

"Hi baby? Miss me? Sorry ha... Hello tita? Sorry din po sa inyo kung iniwan ko siya ng maaga." napalingon ako kay Mom na tila nagulat din at bakas sa mukha niya yon. "Siguro ay nagulat kayo kung bakit parang nakikita ko talaga kayo? No... actually I dream about this scene... two years later mangyayari ito at makikita mo 'to at mapapanood dahil nag aaway kayo ni Tita Allison."

Napalunok ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Nasa isang puting silid siya at may mga tunog ng makina sa paligid niya bukod sa boses nya ay iyon ang tanging maririnig sa video.

"Tita Allison... may tiwala po ako sa inyo. Alam ko pong para kay Madie din yung ginagawa niyo kung bakit kailangan nyo syang pilitin na ikasal." napatakip ng bibig si Mom at muntik na matumba pero agad akong umalalay. Nagkatitigan pa kami pero agad din yong nabawi ng magsalita siya.

"Kapag nagmahal ka ulit, Madie sana yung hindi mo pagsisihan. Doon ka sa gusto ng puso mo, sa taong gusto mong makasama. Wag kang mag alala magiging okay lang ako hanggat nakikita kitang masaya. Kaya please baby? Palayain mo na ang sarili mo ha? Wag ng matigas ang ulo." Tanging mga luha ko ang nagsisilbing sagot at hikbi ko ang maririnig sa buong kwarto.

"That day... bago tayo ikasal, ginawa ko to. Yung alam mo ay nasa party ako pero hindi. Nandito ako... sa hospital... I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo. I know I'm selfish but I don't want to ruin everything. Two weeks ago bago yung wedding natin... nag pa check up ako and then boom, baby.... the doctor told me that... I'm dying." sa pagbitaw niya ng salita na 'yon ay ako naman ang tuluyang napaupo sa sahig at hindi inalis ang paningin sa TV kung saan nandoon ang mukha niya.

Ang mga ngiti niyang sobrang namimiss ko na. Ang mga mata niyang sobrang saya na pinakagusto ko sa kaniya. Walang bahid na lungkot ang ekspresyon ang makikita sa kaniya.

"Baby... I just want you to be happy, alam ko na bawat araw simula noon ay pwede na ako mawala... kaya sinikap kong magpakatatag para sa'yo. Yung araw na kinasal tayo yun na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At sana kahit hindi mo ko nakasama ay masaya ka dahil natupad ko ang isa sa mga pangarap mo... baby, please dont get mad at me okay?"

Ipinakita niya pa ang ngiti niyang nakalabas ang mga mapuputi at perpekto nyang ngipin. Kung ano ano pang ginawa nyang ekspresyon sa mukha nya. Sandali akong natawa dahil naalala ko na ginagawa niya yon dati kapag malungkot ako.

Habang pinaglalaruan niya ang mukha niya sa video ay namalayan ko nalang na napangiti ako kahit papano...

"..Please bring back your true smile again... and paint your new world again. Kung tatanungin mo ko kung anong pangarap ko? Wala akong ibang pinangarap kundi ang makasama ka... until my last breath. Kaya naman masaya ako kung nasaan man ako ngayon baby. Ayokong maging blangko ang lahat sayo. Gusto ko kulayan mo kapag nalaman mo na ang totoo. Ngayon alam mo na, oras na para sa sarili mo baby."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon