"Matthew.." pagtawag ko sa kanya habang nagluluto siya.
Lumingon siya sa akin hawak ang sandok. "Hmm?"
I want him, God. Only him, over and over again, I would still choose him. No more choices. No more options.
"What if we never met? Will you still find me? Will you still look for me?"
Hindi ko alam kung bakit iyon ang sunod sunod na tanong na lumabas sa bibig ko. Medyo nagulat pa siya dahil sa biglaang tanong ko pero napaisip din siya.
"Even if I don't know you, I will still look for you even if you don't ask me to." his comforting words made my heart and mind at peace. Ang lahat ng pag-aalala ko ay nawala dahil sa sagot niya.
Napangiti ako at parang bata na lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran habang nagluluto roon.
"How could I love you anymore if I don't know you?" mahina lang ang tanong ko na 'yon pero sa tingin ko ay narinig niya pa rin.
"Kung kailangan kong magpakilala ng paulit-ulit sa'yo ay gagawin ko, maalala mo lang na ako ang lalaking mahal mo." mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya dahil tinangka niyang humarap sa akin.
Hindi ko alam pero ayokong makita niya ang mukha kong paiyak na dahil sa mga pinagsasasabi niya.
"Ano bang nangyayari sa'yo at bakit ganiyan ang mga tinanong mo?" natatawa pero medyo seryoso niyang tanong habang kumakain na kami.
"H-ha? Ano...wala lang! Trip ko lang.."
"Madieson?"
Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang narinig bago nagpatuloy sa pagkain. Napailing nalang siya at kumain nalang rin at hindi na muling nagtanong pa.
"You really won't tell me what's bothering you?"
Akala ko lang pala. Katatapos ko lang maghilamos at naroon na siya sa pintuan at magkakrus ang braso nakakunot ang noo, hinihintay ako.
Ngumuso ako at bumuntong hininga. "Hindi ko kasi alam kung guni guni ko lang o totoong kinausap ako ng matanda kanina." pag amin ko.
"Matanda? Who? Where? When?"
"Yong kanina sa park, habang nanonood tayo ng fireworks. She's so creepy, she even told me about choosing my path like she was threatening me!" pagrereklamo ko kay Matthew. Siya naman ay nakakunot lang ang noo, nag iisip. "Nevermind. I'm just tired, maybe, gosh! I'm hallucinating."
"Hayaan mo na, baka naman manghuhula lang at naghahanap ng costumer. Maraming ganoon sa park na 'yon eh." nagkibit balikat nalang ako at nahiga na sa kama niya.
"Paano ka makakatulog kung nakatulala ka sa kisame?" tanong ko habang magka-krus ang braso at nakatitig kay Matthew na nakahiga sa tabi ko pero sa kisame nakatingin.
"May pa-borrow borrow ka pa kay Mommy eh ikaw naman pala ang hindi makakatulog pag nandito na 'ko." hindi pa rin siya lumilingon sa akin.
"Hahaha! First time mo ba talaga?" nanlaki ang mata niya at napalingon sa akin. May mali ba sa sinabi ko? "I mean...first time mong may katabi matulog?" kumalma naman ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko pero muli niyang ibinalik ang paningin sa kisame.
![](https://img.wattpad.com/cover/233167316-288-k123237.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasyMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...