CHAPTER 17

93 18 6
                                        

Araw, linggo, buwan, taon ang dumaan at ginugol ko lahat ng oras ko sa pagiging intern sa art gallery na in-offer ni Tristan. Simula ng araw na umalis ako ng Pilipinas ay iniwan ko na ang pangarap kong maging artist.

Wala na akong dahilan para ipagpatuloy pa ang pagpipinta ko. Kailangan ko nalang magtrabaho para sa sarili ko at kailangan ko din lumayo para sa ikabubuti ko.

"Buongiorno, Madie!" bati sa akin ni Lindsey na kagigising lang.

Lumapit siya kay Tita Ara na tinuring na din naming nanay. "Buongiorno, Tita!" humalik siya sa pisngi nito bago umupo sa tabi ko.

"Oh kain na, tanghali na baka mahuli kayo sa trabaho." paalala pa niya sa amin.

Iniwan ko din ang nakasanayan kong buhay mayaman, mas pinili kong tumuloy sa isang dorm kasama sila kahit hindi sang-ayon si Mommy, sa huli ay hindi niya din ako napilit na tumuloy sa condo unit na bibilin niya sana.

"Oo nga pala! Nako, ayoko ng mapagalitan grabe pala magalit 'yon si Sir Gonzales, akala ko mabait dahil bata pero grabe! Mas matindi pa pala ang isang yon! Diba Madie?!" pagrereklamo pa nito. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Yna ano ka ba? Hinaan mo nga ang boses mo hindi naman bingi ang katabi mo. Kumain ka na nga lang." saway sa kanya ni Tita Ara.

"Tita naman eh! Sabi ng hindi naman I-na 'yon eh, Ay-na ay-na okay?"

"Ewan ko sayo, trenta anyos ka na pero pati pagkakasabi ng pangalan mo ay hindi mo pinalalagpas."

"Grabe maka-trenta, tita? Hustisya naman sa mga katulad kong tatandang dalaga diba?" natawa nalang ako habang nakikinig sa pag uusap nilang dalawa. Halos araw araw ay ganito ang eksena at sanay na ako sa kanila.

Gusto ko na ding sanayin ang sarili ko na magtrabaho, kumita para sa sarili ko at mabuhay mag isa ng hindi na umaasa sa kanila. Gusto kong simulan ulit ang buhay ko, at ayokong mawalan ng pag asa dahil lang sa mga nangyari sa nakaraan ko.

"Let's begin the meeting." malamig na sabi ni Director Gonzales pagkapasok pa lang niya sa meeting room.

Tahimik lang akong nakikinig sa pinag uusapan nila tungkol sa mga artwork ng mga artist na kailangan namin isama sa huling exhibit na gagawin ngayong huling taon ko.

"Miss Warden?" lumingon ako kay Lindsey ng tawagin siya ni Director Gonzales. "Miss Warden are you with us?" masungit na tanong nito.

"Sir?" lutang na sagot niya. Napailing nalang ako sa kanya. Malamang ay nag iimagine na naman siya ng kung ano ano kaya nakatulala ang loka.

"Whatever, just keep on day dreaming."

Natapos ang meeting na 'yon na panay ang pag buntong hininga ni Lindsey, panay tuloy ang tingin namin sa kanya. Palagi naman wala ang isip niya kapag nag me-meeting pero hinahayaan nalang ng Direktor dahil maayos naman siya mag-trabaho, malamang senior ko na siya eh.

Ilang araw pa ang lumipas at naging abala kami sa huling exhibit na gaganapin bago ako umuwi ng bansa dahil tapos na ang kontrata.

"Madie! May naghahanap sayo!"

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok at pagsigaw ni Lindsey para akong nagkaron ng Arley the second sa Italy.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon