CHAPTER 08

146 54 6
                                    

LIWANAG ang una kong nasilayan ng sandaling imulat ko ang mga mata ko. Nasaan ako? Anong nangyari sa'kin? Ramdam ko pa din ang sakit ng ulo ko ng mga oras na yun pero hindi ko 'yon ininda. Sinikap kong tumayo.

Tumingin ako sa paligid ko at malabo pa din ang paningin ko. Puro liwanag lang na nakakasilaw at masakit sa mata ang sumasalubong sa akin. Patay na ba 'ko? Langit na ba 'to?

Umiling ako sa sarili kong naisip at kumurap kurap. Sa muling pagdilat ko ay napatayo ako, napagtanto kong nasa isang isla ako. Paano ako napunta dito?

Nakakapagtaka lang na nasa isang tabi ako at wala sa tabi ng tubig? Ganun na ba kalakas yung alon para mapunta ako dito?

Sandali akong natigilan ng maalala ko ang taong huli kong nakita. Si...matthew? Siya nga ba 'yon? Kung siya yon...nasaan siya?

Napadaing ako sa hapding naramdaman ko. Tumingin ako sa braso ko, nakita kong may dahon na nakadikit dun. Tinanggal ko to pero nanlaki ang mata ko ng makitang sugat yon. Saan ko nakuha to... at bakit may tapal ng dahon to? Ibig sabihin... hindi ako mag isa dito?

Bigla ay kinabahan ako, hindi ako sigurado kung sino ang may gawa sa'kin nito at kung bakit wala siya ngayon dito. Lalo na kung nasaan man ako ngayon ay wala akong ideya. Nilamon ako ng takot at pangamba, sa loob loob ko ay hinihiling ko na sana ay siya ang matagpuan ko at hindi ibang tao.

Pinasok ko ang daan sa nagtataasang mga puno at naghanap ng bakas na pwedeng magturo sa akin kung nasaan man ngayon ang kasama ko.

"May tao ba dyan?!" sigaw ko habang patuloy na nililibot ang paningin. "May kasama ba ko dito? Magpakita ka!" halos ikutin ko na lahat pero wala pa ring sumasagot sa akin.

Umikot ako at tumungo sa daan pabalik. Bago pa ko makalayo ay nakarinig ako ng kaluskos kaya napahinto ako. Lilingon ba ko? Ano yon? May tao ba sa likod ko? Nanginig ang buong katawan ko at umusbong lahat ng kaba sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng dahil sa isang kaluskos na hindi ko sigurado. Hindi ako makalingon at hindi ko gustong lumingon.

Sinikap kong kumalma at humakbang ulit pero isang kaluskos na naman ang narinig ko. Napapikit ako at humakbang ulit.

"Ahh!" napasigaw ako ng may humawak sa braso ko. Mabilis akong lumingon sa kamay na nakahawak don.

"Ano bang ginagawa mo? Malaglag ka dyan kapag naglakad ka pa!" nagulat ako ng sigawan niya ko, hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay pamilyar naman ang boses niya.

Napahawak ako sa dibdib ko, kahit papano ay nawala lahat ng kaba sa loob ko.

"Ano ba?! Nakakagulat ka naman eh!" sigaw ko din pabalik at humarap sa kanya. Binawi ko ang braso kong hawak niya at umatras mula sa kinatatayuan.

"Tsh hahaha! Gising ka na pala."

Tinignan ko siya. "Paano tayo napunta dito?" kunot noong tanong ko.

"Gusto mong dito ko ikwento? Sa gitna ng gubat?" natatawang tanong niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na nagsalita. Sinundan ko nalang kung saan siya naglakad. Narating namin ang bungad ng gubat kung saan ako galing kanina.

"Ano na?" naiinip na tanong ko.

Nagkibit balikat sya. "Hindi ko din alam." nagkamot pa siya ng ulo.

"Hindi alam? Pinagloloko mo na naman ba ako?!" inis na tanong ko.

"Hahaha! Totoo na 'to. Hindi ko talaga alam, nagising na lang din ako ng nandito tayo."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon