A/N: Here, madaming scene na nadagdag dito. Enjoy reading ;)
Napabuntong hininga ako at tiningala ang papadilim na kalangitan. Nakasimangot kong tinignan ang kamay niyang nakahawak pa din sa pulso ko. Wala ba siyang balak mag pahinga? Simula kanina ay hindi kami nagkikibuan.
Huminto ako sa pagsunod sa kanya kaya napalingon siya sakin na may nagtatakang mukha. Umiling lang ako at umupo kung saan kami huminto.
"Pagod ka na?" paniniguro nya pa. Nag angat ako ng tingin sa kanya at tumango.
"Obvious naman 'di ba?" pinikit ko ang mata ko at binawi ang kamay ko sa kanya. "Tu...big," mahinang sabi ko.
"Nauuhaw ka?"
"Bakit ba tanong ka ng tanong ng mga bagay na obvious na? Ha?" natawa nalang sya at napailing. Maya maya lang ay hinila na naman nya ko.
Laking tuwa ko ng makita ko ang ilog malapit na naming marating. Nakahinga na ko ng maluwag dahil kahit papano ay makakainom na ako sa haba ng nilakad namin.
Pagbaba namin sa ilog ay muntik pa kong madulas sa kakamadali ko buti na lang at nahawakan niya ang siko ko at nahatak niya ako palapit sa kanya.
"Hindi tatakbo ang tubig sa ilog, huwag kang magmadali." binawi ko bigla ang kamay ko sa kanya dahilan para madulas ulit ako!
Kasabay noon ay ang pagkalaglag naming dalawa sa ilog dahil napakapit ako sa damit niya. Napasigaw lang ako habang ang kasama ko ay tuwang tuwa pang nahulog kami.
"What the hell?! Ano bang nakakatawa? Nabasa na nga tayo oh!" agad akong umahon at naglakad paalis.
"Hindi mo naman sinabi na gusto mo palang maligo bago uminom," nang aasar na sabi niya pa bago sumunod sa akin para umahon.
"Kasalanan mo 'to eh! Hinila mo pa kasi ako!"
"Bakit ako? Ikaw ang kumapit sa damit ko. Para ka ngang bata kanina na kumapit sa nanay para hindi malaglag! Hahaha!" tuwang tuwa siya na para bang natandaan niya ang ekspresyon ng mukha ko kanina.
Nakakainis!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hampasin siya dahilan para mapatigil siya saglit sa pagtawa at hawakan ang parteng 'yon ng braso niya na hinampas ko.
"Tumigil ka na nga! Nakakairita 'yang tawa mo. Para kang demonyong nanalo sa lotto!" at dahil doon sa sinabi ko ay lalo lang siyang tumawa.
"Ahahahaha! Sorry, hindi ko naman alam na may lottohan pala sa gitna ng isla! Hahahaha! Funny ka!" mahina niya pa akong hinampas na akala mo ay ganoon kami ka close.
"Saya ka?" sarkastiko kong tanong at doon lang siya tuluyang tumigil kakatawa. Tumikhim muna siya bago tahimik na uminom sa ilog.
Ganoon nalang din ang ginawa ko. Uminom at nanatiling naka-upo para magpatuyo ng sarili. Tumayo siya at binilad ang jacket niya sa arawan para matuyo yon ng mabilis.
Sumapit ang dilim at doon ko lang napagtanto kung para saan ang kahoy na pinupulot niya kanina. Ang apoy lang ang nagsisilbing liwanag namin sa madilim na gabi, sa gitna ng kagubatan.
Lumapit siya sa akin at ipinatong ang jacket na pinatuyo niya kanina.
"Malamig na mamaya, you're welcome. Dont mention it," wala pa man akong nasasabi ay bumalik na siya sa pwesto niya. Sa tono pa lang niya ay halatang pinipikon niya na naman ako pero hindi ko nalang pinatulan.
Hindi ako magpapasalamat noh!
"Pwede ko na bang malaman yung pangalan mo?" magkatapat kami ni Matthew at nasa gitna namin ang apoy na ginawa niya kanina.
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasíaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...