Nakalabas na kami sa gubat na napapalibutan ng puno. Nakarating kami sa daan kung saan walang kahit ano sa paligid tanging patag at walang hangganan na daan ang nakikita ko.
Mabilis akong napalingon sa harapan namin ng makarinig ako ng pag-kasa ng baril. Laking gulat ko ng nakatutok ito sa noo ni Matthew. Napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya ko binitawan. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko, ginawi niya pa ako sa likuran niya.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko na hawak niya. Ang kaba ko ay gumapang na sa buong katawan ko, naubos na lahat ng lakas ko at para na akong babagsak.
"Madieson..."
"Hmm?" agad kong sagot at napatitig sa likod nya.
"Close your eyes." pagkasabi niya noon ay kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko kagaya ng sinabi niya.
"Killing me will make you our enemy. That's the rule, Snowstorm." malalim at ma awtoridad ang pagkakabigkas ng kung sino mang nasa harapan namin ngayon.
Rules?
"Kol...I would gladly break that fucking rules," iyon ang huli niyang sinabi na para bang galit na galit na siya at nagpipigil lang.
"Ah!" natakpan ko ang bibig ko ng marinig ang pagdaing ng taong 'yon. Isang putok ng baril ang nakapagpadilat sakin.
Napa atras ako ng makitang duguan ang lalaking naka-itim at may tama ito diretso sa gitna ng noo nya. Sa buong buhay ko, sa loob ng twenty six years na nabubuhay ako...ngayon lang ako nakakita ng duguang tao sa harap ko.
Napatingin ako kay Matthew na hawak ang baril na tinutok sa kanya kanina. Yumuko siya at kinapkapan ang lalaking sa palagay ko ay wala ng buhay. Nakakuha siya ng susi at cellphone sa bulsa nito. Inilagay niya ang baril na hawak niya sa bewang niya bago siya lumingon sa akin.
Lumapit sya sa akin pero namalayan ko nalang ang sarili ko na umaatras. Takot, duda, pagtataka ang nagsama sama sa utak ko.
"I told you to close your eyes." kunot noong sabi nya at huminto sa paglapit.
"Rules? Snowstorm?" hindi man niya ako sinagot ay tinignan niya ako ng diretso sa mata. Ang paraan ng pagtitig niya ay para akong kinakausap at hindi ko alam kung paano niya napapakalma ang sistema kong puno ng pagdududa sa kanya.
Naluluha akong sumalubong sa titig nya. Should I trust you? Tila nabasa niya ang isip ko at tumango siya sa akin. Wala akong ibang nagawa, inabot ko ang kamay niyang nilahad niya sa harap ko at sabay kaming tumakbo papalayo sa lugar na 'yon.
Habol namin pareho ang hininga namin ng huminto kami sa kalagitnaan ng walang katapusan na daan.
"Na...nasaan na tayo?" hinihingal na tanong ko pa rin.
"Delikado na tayo."
"Sabihin mo nga sakin...anong klaseng lugar 'to?"
Kinabahan ako ng matigilan siya at matagal na napatitig sa akin. Bigla ay ayoko ng marinig ang sagot nya. Sa itsura palang ng mukha niya ay mukhang hindi magandang ideya na malaman ko kung nasaan kami.
"Hideout...nasa isang kuta tayo..." napa atras ako dahilan para bitawan nya ang pulsuhan ko. Akmang hahawakan nya ko ulit pero umiwas ako. Nagtataka na ang mukha nya at tila nagtatanong kung bakit ako umiwas.
Lumapit sya pero humakbang lang ako paatras. "Sino ka?" lalong nagsalubong ang kilay nya dahil sa tanong ko. "Paano mo nagawa 'yong kanina?"
"Now you're suspecting me?" lalo akong kinabahan sa sarkastikong tono ng pagtatanong nya.
"Paano mo ipapaliwanag na napunta tayo dito... nang tayong dalawa lang? Madaming tao ang sakay ng eroplano, Matthew."

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasíaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...