"Mom? Dad?" pagtawag ko sa kanila.
"Totoo na naging miyembro ng sindikato ang isang 'yon, Madie." si Mom ang nagsalita.
"Hindi naman sigurado 'yon Allison. We just assume things back then," si Dad na sumalungat. Ang gulo nila.
"Ako ang nag file ng kaso sa lalaking 'yon, duda ako sa kanya."
"Seriously mom? Sana kasi hinintay niyo muna akong magpaliwanag. Kung hindi dahil sa kanya baka bangkay ko na ang nagtagpuan niyo."
"Madie," pagsaway ni Dad.
"Haha you know what? Lagi na lang lalaki ang dahilan ng sagutan natin. So, sino naman ngayon ang Matthew na 'yon sa buhay mo?"
"Allison, Madie? Tigilan nyo na nga 'yan. Tapos na nangyari na."
Nanahimik na lang ako dahil mag uumpisa na naman kami, ayoko ng makipagtalo sa kanya.
"Sige na, magpahinga ka na muna." pagpapatuloy ni Dad.
Bago pa ako tuluyang makahiga ay bumukas ang pinto.
"MADIE! OMG!" may dala siyang kahon ng pizza at gulat na natulala ng makita akong nakatayo. Patakbong lumapit sa akin si Arley at agad akong niyakap.
"Ang oa mo naman, bitaw na. Hindi ako makahinga." reklamo ko.
"Akala ko huling pag uusap na natin 'yong binabaan mo ako..." nakasimangot na aniya at parang maiiyak pa kaya napangiwi nalang ako sa pag iinarte niya. Hindi ko inaasahan na hahagulgol nga siya sa harap ko kaya tinapik ko nalang ang likod niya, hindi ko alam ang gagawin ko eh.
Lumabas muna sila at naiwan kami ni Arley sa kwarto. Marami akong gusong itanong pero abala ang utak ko sa ginawa ni Matthew.
Bakit kung kailan ako 'yong nandun tsaka siya nagising? Sinadya niya ba o nagkataon lang? Bakit ako ang una noyang tinignan at hindi ang babaeng 'yon? Para saan yung sinabi niya? Your confusing me, Matthew.
"Hoy Madie, tapos na akong umiyak pero tulala ka pa din. Mukha ko na ang tinatapik mo gaga ka. Kanina ka pa tulala dyan. May problema ba?" nabalik ako sa wisyo sa pagtawag ni Arley.
Sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasarilihin ko 'to ay masisiraan ako ng bait sa sobrang gulo. Tumango ako at bumuntong hininga. "Ano 'yon?"
"Kasi..." seryoso siyang nag aantay ng sasabihin ko.
"Kasi?" naiinip na pag uulit niya.
Matagal akong hindi nagsalita, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
"Kinakabahan naman ako sayo, Madie. Ano ba kasi 'yon?" seryosong dagdag pa niya.
"Tungkol kay Matthew..."
Sandali siyang napaisip. "Matthew?"
"Mm, siya 'yong kasama ko noong napadpad kami sa isla." kumunot ang noo ni Arley.
"Isla?"
"Oo, isla na parang...hindi isla." naguguluhan siyang nakatitig sa akin. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoo dahil ayoko ng may malaman siya tungkol sa pinagdaanan ko, at sa kung anong klaseng lugar 'yon.
"Sandali ah, bago yan. Hindi mo pa ba alam?" kinabahan ako ng ilabas niya ang cellphone niya.
"Hindi alam ang alin?" takang tanong ko.
"Ang weird kasi...look panoorin mo 'to." sabay bigay nya sa akin ng cellphone.
Pinapanood nya sa akin ang balita kung kailan nai-report ang eroplanong sinasakyan namin na nag crash. Seryoso at tahimik naming pinanood 'yon. Namuo ang kaba sa loob ko at lalo ng nagulo ang utak ko matapos naming mapanood ni Arley.
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasyMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...