"Madieson?" lumingon na siya sa'kin sa pangatlong pagtawag niya.
"Director Han..." si Catalina na nagtatakang tumingin sa akin at kay Matthew. "Did you just call her b--"
"Yes, because she's my girlfriend. Is there something wrong with that?" umiling si Catalina bago ibinaling sa iba ang paningin.
"Sabi ko na nga ba eh!" nakangiting sabi pa ni Stephanie. "Oh ano ka ngayon, Christian? Labas mo na 1k ko!"
"Ano? Anong 1k? Ulol." sinamaan pa niya ako ng tingin bago padabog na naglakad.
"Hoy! Madaya ka!" habol naman ni Stephanie sa kaniya.
Kami na ni Matthew ang naiwan sa gallery para i-check lahat ng paintings na natapos na naming ayusin para sa exhibit bukas.
"Para saan ba kasi 'to? Bakit kailangan pang nakatakip ang mata ko?" tanong ko habang inaalalayan niya ko dahil siya mismo ang nagtakip ng mata ko.
"Basta. Ako ng bahala sa'yo." sagot niya na lang. Huminto na siya at narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nang tanggalin niya ang blindfold ko ay direktang nagtagpo ang mga mata namin, bago siya gumilid para makita ko kung saan man niya ako dinala.
Sa isang silid na may mga painting materials...
Hindi ako makagalaw kaagad kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa harap ng canvas.
"Once you have a blank canvas in front of your eyes, you can think about how you want to paint it...but this time I want you...to draw me like you did before."
Napatitig ako sa kanya habang nakangiti siya sa akin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang lapis. Muli ko siyang binalikan ng tingin, unang naka-agaw ng atensyon ko ay ang mga mata niya.
Eyes speak. Eyes say the unsaid words. Eyes express feelings. Eyes convey emotions. Eyes are eloquent. Eyes are tender. Eyes are sensitive. Eyes are captivating.
I can't help looking into his eyes. I am always fascinated by his eyes.
Iginuhit ko ang mga mata niyang punong puno ng saya habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay nabuo ako ng mga oras na 'yon.
Back then, I am just an ordinary girl, who loves to dream, to paint, loves the smell of wet soil, and the drops of rain.
Habang pinagmamasdan ko ang sketch ng mata niya na ginawa ko ay napatingin ako sa kaniya.
Now...I must say that he's my new passion...something I can't live without. Matthew is my passion.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ang pakiramdam ng maging kompleto kahit tignan mo lang ang isang tao. Walang salita, walang kilos, tanging mata na may sinasabi, hindi man naririnig pero nakikita.
When you're devoted to someone's heart, you either paint it or pain it. And I choose to paint it, to paint him...to love him.
"Piece makes Peace, Pain makes Paint, A Word create World. You did it..." nakangiti niyang sabi sa akin matapos titigan ang ginawa ko.
Tattoos are a permanent commitment of passion. So his eyes and smile are the tattoos of my heart.
"I love you...constantly, consistently, continually...you." napayakap nalang ako sa kaniya matapos kong sabihin 'yon.
Pangatlong beses ko ng nakahawak ng ganitong exhibit pero iba pa rin ang pakiramdam na natural ang lahat. Ang mga tao na may kanya kanyang mundo habang sinusuri ang mga painting.

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasiMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...